SABI nila, kapag daw nasa kabilang buhay ka na, wala ka nang maaalala kung anong klaseng buhay ang mayroon ka noong namumuhay ka pa. Siguro kaya madalas, may mga taong pinili na lamang mawala sa mundo upang takasan at kalimutan ang masalimuot nilang buhay. Iminulat ko ang aking mga mata. Sinalubong ako ng kulay puting kapaligiran. Akala ko noong una, nagtagumpay ako sa binabalak ko, ngunit nang mapagtantong nasa loob ako ng isang hospital room, alam ko na buhay pa rin ako. My memory about what happened is vivid. Tinangka kong tapusin ang sariling buhay dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. I feel so hopeless, na gusto ko na lamang makatakas sa buhay ko. “Aiselle?” May tumayo sa gilid ko. Tiningnan ko siya at una kong nakita si Yago. Bakas pa rin sa kanyang mga mata ang takot at p

