Sinadya ko talagang i-emphasize ang word na "sir" dahil gusto kong ipaalala sa kanya kung ano niya ako at kung ano ko siya. Baka kasi nakakalimutan ng lalaking 'yon na nasa workplace kami kaya walang lugar para magpakita siya ng pag-aalala sa akin... lalo't alam kong may mga matang nagmamasid sa aming dalawa. Mahalaga sa akin ang trabaho ko kaya ako nag-iingat nang mabuti. Hindi ko hahayaang 'yang lecheng kalandian at pagmamahal ang makakasira no'n sa trabaho ko. Paano ko na mabubuhay ang anak ko kung 'yong nanay niya ay nawalan ng trabaho dahil lang sa isang pang-aakit?! "Aya, sandali lang naman!" Hindi ko inaasahang sa paglabas ko ng building para sana layasan na si Dwine sa lobby at iwan na siyang mag-isa roon ay heto pa rin pala siya... nakabuntot sa likod. "Mag-usap naman tayo nang

