Chapter 8

1683 Words
Nagising ako dahil nasilaw ako sa sinag ng araw. Nagtaka pa ako kung bakit parang ang sikip sa kama ko ngayon… ‘yon pala ay nasa tabi ko si Papa at nakahiga. Nang subukan kong bumangon ay nagising na rin si Papa, inalalayan niya ako na makaayos ng upo sa kama. “Bakit ka po rito natulog, Pa?” tanong ko sa inaantok pang boses. “Sinamahan kitang matulog dito,” ngumiti siya. “Naalimpungatan ka kagabi, mga alas-nuebe. Tinawag mo ako at sinabing samahan kita rito kasi natatakot kang mag-isa kaya sinamahan kita… hanggang sa antukin ako’t dito na ako sa kwarto mo nagpalipas ng gabi.”  Hinawakan ni Papa ang kamay ko. “Kung hindi mo man naalala ang nangyari kagabi… nagtangka kang saksakin ang sarili mo. Mabuti’t nagawi ako sa kusina, napigilan kita sa tangka mong pagpapakamatay. Aba’t hindi naman ako papayag na mawawalan na nga ako ng apo, mawawalan pa ako ng magandang anak.” Sinubukan niya pa talagang magbiro sa huli niyang sinabi, para siguro ay mapawi ang pagkaseryoso sa aking mukha. “Ginawa ko po ‘yon?” Marahan niyang itinango ang ulo. “Mukhang wala ka sa sarili no’ng gawin mo ‘yon, mukhang galing ka sa isang napakahimbing na pagkakatulog ngunit nagambala dahil sa isang bangungot. Naiintindihan naman kita…” hinawakan nito ang kamay ko. “Pero sana ay ‘wag mo nang ulitin ‘yon. Paano na lang kung nagkataong wala ako rito sa bahay? Sino ang pipigil sa iyo na gawin ang gano’ng bagay?” “Sorry, Pa.” Nanghihinang bumagsak ang ulo ko sa balikat niya. “Napakadali kong maapektuhan ng ibang bagay, na halos hindi ko na mapigilan ‘yong sarili ko na gumawa ng bagay na dapat ay hindi ko gawin.”  “Pero ngayon po… na-realize ko na tama ka.” Muli kong inangat ang ulo ko para makaharap si Papa. “Naniniwala akong blessing ang bata na nasa sinapupunan ko ngayon kaya naman… hindi ko na siya muling pagtatangkaan na patayin. Naging madilim man ang nakaraan ko, naniniwala akong ang batang ito ang magiging susi para makapagsimula ako ng bagong buhay.” “Sisikapin ko pong,” ngumiti ako, “maging mabuting ina sa kanya.” “Mabuti naman at natauhan na rin ang maganda kong anak.” Tumawa si Papa bago tumayo sa kama. “Maligo ka muna, sakto ‘yon dahil tapos na ako magluto, okay?”  Tinanguan ko na lamang siya at pinanood na lumabas ng aking kwarto. Tulad ng bilin sa akin ni Papa, pumasok ako sa banyo at mabilis na naligo. Kumpara sa bigat ng nararamdaman ko kahapon matapos kong malaman na buntis ako, ngayon ay mas magaan na ang pakiramdam ko. Iyon ay marahil sa pagtanggap ko nang buong-puso sa sanggol na nasa sinapupunan ko. Nakatulong nang malaki ang pagkumbinsi sa akin ni Papa na ‘wag ipalaglag ang bata, pati na rin ang pagkwento niya sa akin tungkol sa nakaraan ni Mama kung saan ay muntik na rin niya akong ipalaglag. Ngayong ako ay nakatayo sa posisyon ni Mama noon, mas lalo akong naliwanagan na isang malaking pagkakamali kung nagdesisyon ako agad-agad na magpa-abort.  “Si Mama po?” Nang makaupo ako sa dining table, nagtaka ako nang hindi namin kasama si Mama sa hapag. “Umalis ang Mama mo kahapon dahil may outing daw sila ng mga ka-workmates niya sa Ilocos. Three days daw siyang mawawala.” Paliwanag ni Papa habang naglalagay siya ng kanin at bacon sa plato ko.  “Nga pala, tutungo tayo sa police station ngayon.” Pagpapatuloy ni Papa. “Hindi ba’t sabi mo ay natatandaan mo ang mukha ng lalaking nanamantala sa iyo? Pwes, magpapatulong tayo sa mga pulis na matunton ang lalaking ‘yon dahil kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa iyo.” Tumango ako. “Tandang-tanda ko po ang pagmumukha ng lalaking ‘yon. Sa kabila ng panghihina at lakas ng epekto sa akin ng alak na ininom ko, malinaw na nakarehistro sa utak ko ang mukha niya.” “Mabuti kung gano’n,” ani Papa, “hayaan mo’t uunti-untiin natin ang lahat. Hindi ako papayag na hindi mabibigyan ng hustisya ang ginawa sa iyo ng lalaking ‘yon. Oo nga’t mahirap lang tayo, pero sa tingin ko, kailangan nating lumabas, may pera man tayo o wala. Lalaban tayo, Aya… at hindi tayo titigil hanggang sa makamit natin ang hustisyang nararapat.” Dahil sa mga sinabi ni Papa ay mas lalong lumakas ang loob ko na magpatuloy sa buhay at kamtin ang hustisya na para sa akin. Gaya ng sinabi ni Papa, lalaban kami, may laman man ang bulsa namin o wala. --- “Matangos ang ilong niya, black-haired, maputi at mukhang may lahing Koreano.” Pinanood ko ang pag-s-sketch ng lalaki sa mga binanggit kong physical features. “Mukha rin siyang mayaman dahil Celine ‘yong tatak ng t shirt na nakita ko no’ng paggising ko kinabukasan.” “Parang nakikilala ko na,” sabi no’ng mamang pulis, “kaya lang hindi ako sigurado kung siya nga. Imposible kasi ‘yon… maimpluwensya ang taong ‘yon.”  “Maimpluwensya man o hindi, ‘pag gagawa ng masama ay walang exempted na tao. Lahat ay eligible, Sir.” Argumento ni Papa. “Balitaan n’yo na lang kami sakaling mahanap n’yo na ang lalaking ‘yon. Handa naman kaming magbayad, e. Sana ‘wag n’yo kaming biguin.” At matapos ‘yon sabihin ni Papa ay kaagad na kaming umalis sa lugar. Bitbit ang pag-asang sana ay hindi maging maramot sa amin ang tadhana, sana kahit sa pagkakataon lang na ito ay maging patas naman ang mundo. “Magtiwala na lang tayo na gagawin ng mga iyon ang trabaho nila, Aya.” Ani Papa bago kami naupo sa isang waiting shed upang mag-abang ng bus na sasakyan namin pauwi. “Kung hindi man, alam kong darating din ang araw na mismong ang nasa itaas na ang gagawa ng para pagbayarin ang lalaking ‘yon. Lahat ng kasalanan ay dapat pagbayaran… kung hindi man natin kaya na tayo ang sumingil, naniniwala akong Siya ay kaya Niyang gawin.”  “Umaasa rin ako, Pa…” bumagsak ang tingin ko sa tummy ko. “Pero sa ngayon, gusto kong i-focus muna ang sarili ko sa pagbubuntis ko. Kailangan ko ring magsipag lalo sa trabaho dahil may anak na akong bubuhayin. Tingin ko, kailangan ko ng trabaho na mas kikita ako ng malaki.” Nilingon ko si Papa. “Kung mag-apply na po kaya ako sa BPO company na sinasabi sa akin ni Mama? May kilala raw po siya roon, ‘di ba?” “Buntis ka, Aya… Mano bang magtigil ka na lang muna sa bahay. Kami na ng Mama mo muna ang bahala sa gastusin, at kapag nakapanganak ka na ay doon ka magtrabaho.”  “Mag-l-leave naman po ako ‘pag kabuwanan ko na o talagang hindi ko na kayang magtrabaho. Kahit limang buwan ay gusto kong makapagtrabaho para makapag-ipon ako para sa panggatas at hospital bill.” Pagpupumilit ko pa sa gusto ko, ngunit sa ekspresyon ng mukha ni Papa ay mukhang hindi pa rin siya kumbinsido.  “Pa, payagan mo na ako. Promise, hihinto ako once na pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang magtrabaho, hmm?” “Nako… para namang kaya pa kitang pigilan.” Mataman niya akong tiningnan. “Basta ha, tuparin mo sana ang pangako mo na ‘pag nahirapan ka na sa trabaho ay tumigil ka na muna or mag-leave ka muna. Nagkakaintindihan tayo, Aya?”  “Yes, Papa!” At sabay kaming natawa dahil sa paraan na naging sagot ko. Hindi ko akalaing sa kabila ng madilim na pinagdaanan ko, magagawa ko pa rin palang makatawa tulad ng dati. --- “Ihanda mo ang resume, ako na ang bahalagang magpasa kay Gina.” Tinapunan ako ng tingin ng Mama kong kararating lang nitong umaga. “Basta ang paalala ko lang sa iyo, Aya… ‘wag ka sanang gumawa ng bagay na kahihiyan sa pangalan ko. Utang na loob, ‘wag ka sanang gumawa ng katarantaduhan doon.” “Opo, Ma.” Ang naitugon ko bago ako nagpatuloy sa pagkain. Malamang ay pinoprotektahan lang ni Mama ang pangalan niya kaya gano’n niya ako kahigpit na pinaaalalahan nan ‘wag gumawa ng hindi maganda.  Pero ang sakit lang sa part ko na isiping… tingin sa akin ni Mama, na sarili niyang anak, ay isang basagulera. Nang dahil siguro sa nakaraan kaya gano’n ang naging tingin niya sa akin, paano pa kaya ‘pag nalaman ni Mama na buntis ako? Nang makauwi si Mama galing sa outing, nakiusap ako kay Papa na ‘wag muna ipaalam kay Mama na buntis. Hindi pa kasi ako handang mabulyawan. Good thing na pinagbigyan ako ni Papa at ipinangako ko sa kanyang hahanap ako ng magandang tyempo para sabihin kay Mama ang totoo… siguro sa araw na nasa mood siya. “Kaninong PT ito?” Nahinto ako sa akmang pagsubo nang marinig ko ang tinig ni Mama… palabas sa kwarto ko. Ang wrong timing naman, sinabing hindi pa ako ready, e. “Kanino ito? Arturo? Aya?”  “Sa akin po… Ma.” Mahinang bulong ko, nakayuko ang ulo ko dahil sa takot na saktan ako ni Mama.  “Ano kamo?” Naramdaman ko ang paghakbang niya palapit sa akin tiyaka niya ako sapilitang itinayo sa upuan. “Sa iyo ito? Buntis ka?!”  “Miriam, huminahon ka. ‘Wag mong saktan ang anak natin!” rinig kong pag-awat ni Papa. “Hindi!” Mas hinigpitan ni Mama ang pagkakakapit sa balikat ko. “Siya ba? Siya ba ang tatay ng anak mo? ‘Yong lalaking bumaboy sa iyo, Aya?!”  “Ma, hindi ko rin inaasahan---” Naputol ako sa pagsasalita nang malakas niyang itulak ako palayo sa kanya. Kitang-kita ko ang mga butil ng luha sa gilid ng mga mata ni Mama, na pilit itinatago sa akin.  “Ipalaglag mo ‘yan…” bumalik ang tingin ni Mama sa akin. “Hindi dapat mabuhay ang batang ‘yan na bunga lamang ng isang pagkakamali. Kaya ipalaglag mo ‘yan, Aya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD