Wala rin naman akong choice kung hindi ang pumayag na lang kahit na sa katunayan, hindi talaga ako comfortable na magtrabaho sa isang pamilya na related sa CEO. Ang weird… pero naaalala ko ang madilim kong nakaraan makarinig lang ako or magkaroon ako ng interaction sa isang CEO or related sa kanya. Ngunit dahil trabaho ko ang mag-organize ng isang event at mas mataas ang posisyon ni Dwine sa akin even though I'm not used of addressing him as 'sir,' siya pa rin ang masusunod. Sana lang talaga ay hindi makaapekto nang malala sa magiging trabaho ko ang madilim kong nakaraan. Alam kong maraming CEO ang nagkalat sa Pilipinas, maging sa buong mundo. Sadyang OA lang talaga ako sa part na makarinig lang ng CEO ang tenga ko, ultimo tatayuan na ako ng balahibo at magsisimulang maalala na naman ang

