"Ma, sobrang ganda nito!" Masayang umikot-ikot si Mari sa harap ng salamin matapos niyang maisuot 'yong magandang kulay asul na dress na dinala rito sa bahay ni Dwine. Hindi ko na inabala pa ang sariling tanungin si Mari kung nagustuhan niya ba ang dress… dahil sa mukha pa lang niya ngayon ay alam ko na agad ang sagot. Ano nga ba namang dahilan ng anak ko para hindi niya magustuhan ang damit, e saksakan ng ganda nito. Magaling talagang pumili ng damit si Dwine, may taste siya sa mga damit at sapatos na pinipili niya. At nakakagulat na mukhang mayroon siyang ideya na kulay asul ang favorite color ni Mari. "Excited na po akong um-attend sa party, ma! Mukhang 'yon na ang isa sa mga masasayang araw po sa buhay ko!" kinikilig niyang sambit habang hinihimas ang laylayan ng kanyang dress. "Ta

