"Umamin ka na rin naman sa akin at lahat-lahat, sabihin mo na ang buong detalye," malumanay na sambit ko. Baka kasi 'pag sinigawan ko ang babaeng ito o sabunutan ko man siya dahil sa ginawa niyang panloloko at pag-setup sa anak ko ay maudlot pa bigla ang desisyon niyang umamin sa napag-usapan nila ni Jazz. At ang babaeng iyon... sumosobra na talaga ang kademonyohan niya. Imbes na maging maganda siyang halimbawa sa anak at disiplinahin niya ito nang tama, nagawa niya pa talagang kampihan ang anak niya at sulsulan na gumawa ng maling bagay. Para lang ano? Para makaganti siya sa akin sa pamamagitan ng pang-aapi niya sa anak ko? Kung ikukumpara ang estado ng buhay ko sa estado ng buhay ni Jazz, malayong-malayo ang agwat niya sa akin. Hindi naman kasi ako pinalad na kagaya niya para makapag

