Kaso para namang imposibleng mangyari 'yon. Ang buong alam ko ay nakapagpatali na si Mama kaya… paano magiging posible na anak niya ang batang kasa-kasama nila ng kabit niya? Mukhang sa kabit ni Mama ang batang 'yon, e. Talagang pinaako pa nito sa mama ko ang anak niya, ang kapal ng mukha. Nang magsimulang umusad ang mga sasakyan, pinaandar ko na ang kotse palayo sa lugar kung saan ko nakita sina Mama. Masyadong masakit sa akin ang gano'ng tanawin… ang makita ang sarili kong ina na masaya sa bago niyang pamilya. Habang kami naman ni Papa, patuloy na nangungulila sa kanya sa kabila ng mahigit pitong taon na lumipas. "What took you so long?" "Na-traffic ako sa may crossing," ang winika ko bago mabilis na inabot kay Dwine ang maliit na notebook na lagi kong dala-dala. "Naisulat ko na la

