Pagkatapos kong pumunta sa hideout kagabe, umuwi na agad ako sa bahay. Mabuti naman at tulog pa rin si Jacob, medyo natagalan kasi ako sa pagbalik. Dahan-dahan nga akong humiga at niyakap ito. Napangiti na lang ako nang gumanti ito sa akin nang yakap at mas lalong mahigpit pa. NAGISING na lang ako kinabukasan, wala na si Jacob sa tabi ko kaya naman agad akong bumangon. Imposibleng pumasok ito sa unibersidad, wala namang pasok ngayon. Napagtanto ko rin, pumapasok pala ito sa trabaho kung wala itong pasok sa unibersidad. Ayaw ko sana pero namilit ito kaya pinabayaan ko na lang. Sabagay, tama naman ito hindi pwedeng ako lang ang gumalaw ng lahat, dapat kasama rin ito lalo pa at mag-asawa na kami ngayon. Pupuntahan ko na lang ito mamaya para sunduin. Maya-maya lang, naisipan ko na lang m

