Narito kami ngayon sa morgue at simula ng nangyari kanina, hindi na ako pinansin ni Jacob. Hindi man lang nito ako magawang tignan , kaya mas lalo akong nasasaktan. Hindi ako sanay na ganito kami. Ayaw ko itong guluhin dahil alam kong gusto nitong mapag-isa, pero gusto ko itong damayan. Ano bang silbi ng pagiging asawa ko kung hindi ko man lang ito magawang damayan? Nakaupo ito sa sahig habang nakayuko, kaya dahan-dahan akong lumapit at lumuhod sa harapan nito. Ngunit nagulat nalamang ako ng dahan-dahan itong umosog na parang mapapaso sa mga hawak ko. Pakiramdam ko'y biglang may kumirot sa aking dibdib, para rin itong walang buhay kong makatingin sa akin. "J-Jacob, okay ka lang?" kinakabahan kong tanong dito. Gayunpaman, hindi parin mawala sa akin ang pag-aalala. "Bakit si Lola pa, Jes

