Naglalakad ako ngayon papunta sa paaralan. Hindi kasi pwedeng gamitin ang big bike ko. Ginagamit ko lang 'yon pag may misyon ako. At saka medyo malapit lang rin naman ang eskwelahan ko sa bahay kaya wala ring problema kung maglalakad ako. Bale disguise ko rin 'to.
Pagkarating ko nga, medyo marami rin ang mga estudyante malapit na kasi magsisimula ang klase kaya hindi nakakapagtaka. Dumiretso na nga ako sa classroom dahil hindi naman ako 'yong tipong pag nakarating sa hamba ng gate may sasalubong sayo na kaibigan at magchechekahan kayo ng kung ano-ano. Dahil wala naman akong kaibigan dito, mayroon naman akong kaibigan si Vica. Isang pulubi, oo, pulubi. Hindi naman siguro weird 'di ba dahil tao rin naman sila. Naipit lang talaga sila sa bulok na sistema ng lipunan at mas gusto kong makipagkaibigan sa pulubing katulad ni Vica na kahit walang ipagmamalaki, ramdam ko naman ang pagiging totoo nito. Hindi katulad rito, puro papiki-an, payabangan, at payamanan
Kong hindi mayaman ang pamilya mo ay pang bubully ang aabutin mo rito
Tingin kasi nila, kapag wala kang kaya sa buhay, hindi ka na babagay rito. Tangina, may genre ba ang paaralan?
Parati na akong nakakarinig na maraming nabo-bully na estudyante dito, ngunit wala pa ring ginawang aksyon ang mga guro kasi nga may pera. Sabagay, sa pera naman umiikot ang lahat. Ano pa bang aasahan?
Hindi ako mayaman ngunit hindi ako binubully ng mga estudyante dito dahil mayroong kasing nagbalita na may kaibigan daw akong multo at medyo creepy daw ako. Naniwala naman ang mga buang. Ay bahala sila. iwan ko rin kung saan nila nakuha ang ganoong balita. 'Yan din ang isa sa mga dahilan kung bakit halos walang lumalapit sa akin. Parang lahat ata sila, natatakot sa akin. Pero wala naman akong pakialam at wala akong balak na tamain kung anong sinasabi nila. Bakit kailangan kopa na tamain? Paniwalaan nila ang gusto nilang paniwalaan.
Choice nila 'yon.
By the way, nakayuko ang ulo ko ngayon sa lamisa habang nagtuturo si Prof. Sebastian. Nawala naman akong maintindihan hindi naman sa tamad akong mag-aral pero nabobored ako minsan.
In short, tamad talaga ako.
Wala namang nagbago, ganito naman ako palagi at wala namang nagtatangkang suwayin ako kasi pati nga ata ang guro ay naniwala na rin sa mga sabi-sabi tungkol sa akin.
Mga buang talaga...
Paano nga naman kasi may nagpakamatay daw sa rooftop noong nakaraang araw dahil sa depression. Na-depressed daw ito dahil hindi na kinaya ang pang-bubully ng mga bigating estudyante rito. Kaya rin maraming naniniwala na may mga multo sa rooftop.
Ako na mahilig tumambay sa rooftop ay napagkamalan tuloy na may kaibigang multo. Palagi naman talaga akong tumatambay sa rooftop pagkatapos ng klase at kung gusto kong mapag-isa at tahimik na lugar
Maganda rin kasi doon, bukod sa makakalanghap ka ng sariwang hangin, ay makakapag-isip ka pa ng maayos, walang gulo, walang ingay.
Tumayo naman agad ako nang tumunog ang bill, pahiwatig na dismissed na. Natapos na nga yong klase ngunit wala pa rin akong maintindihan. Dahil sa hindi ko namalayan, nakatulog pala ako.
Pero hindi naman ibig sabihin na hindi ako nakikinig ay hindi na ako interesado sa pag-aaral. Kong ganon, bakit pa ako mag-aaksaya ng panahon mag-aral kong hindi naman pala ako interesado?
Kahit naman hindi ako nakikinig, kusang pinag-aaralan ko ito.
medyo nakaramdam nga ako ng gutom, ay naisipan Konalang pumonta sa cafeteria upang kumain.
"Narito naman si creepy girl," dinig kong bulong-bulongan ng mga estudyante habang papunta ako sa cafeteria. Hindi nga naman ako binu-bully nang pisikal, pero sa verbal, oo.
Yan naman palagi bansag nila sa akin, 'creepy girl' daw at marami pang iba. Hindi ko naman pinapatulan dahil wala naman akong pakialam. Para sa akin, nag-sasayang lang ako ng oras kung papansinin kopa sila. As long as hindi nila ako sinasaktan, hindi ko sila iniintindi.
Nag-order lang ako ng sandwich, pagkatapos agad naman akong umupo sa bakanteng lamisa.
"Hi babe," napaikot naman agad ang mata ko dahil sa biglang pagsulpot ni Enzo sa lamisa ko. Wala nanaman itong gagawin kong hindi mang-inis sa akin.
"Songit mo naman babe," dugtong panito. Hampasin ko kaya ito? Kinikilabotan ako sa pagtawag nitong babe sa akin.
"Wag munga akong tawaging babe," malditang aniya ko rito. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain dahil sa pagmumuka nito.
"Kailan mo ba ako sasagutin babe," aniya nito. Oo nga pala, nanliligaw ito sa akin na wala naman akong balak sagutin dahil hindi naman ako pumayag na magpaligaw dito. Wala naman akong balak magkaboyfriend dahil para sa akin, walang ibang dala ang mga lalaki kundi problema at pasakit. Wala naman akong naging boyfriend since birth. Pero nasasabi ko 'yan dahil na rin sa mga kakilala ko noon na wala nang ibang ginawa kundi iyakan ang mga nobyo nilang mga cheater, kaya takot na rin akong magkaboyfriend dahil nakita ko rin kung paano sila mag-break down.
bahala nang mamatay na single
" Wala akong balak na sagutin ka " Seryosong sagot ko rito,
hindi ko naman talaga ito sasagutin kahit kailan. Kulang nalang ay halos maging nobya na nito ang lahat ng mga babae dito sa campus dahil sa sobrang pagkababaero nito, tas idadamay pa ako.
" Ang arte mo naman. Ikaw naman tong nililigawan ng isang Enzo Verizon"
pangyayabang pa nito. Sikat kasi ito dito sa campus. Halos lahat rin kasi ng mga babae may gusto rito, maliban lang sa akin. Mayaman kasi ang pamilya nito. Kung sa itsura naman ay may ipanglalaban rin,
pero puro naman pagmamayabang ang alam nito, kala mo may sariling pera. Hindi ko na lang pinansin ang sinabe nito at tumayo na lang upang umalis.
Ayon, nag-iinit nanaman ang mga mata ng mga studyante sakin dahil nilapitan na naman ako ni Enzo. Mga inggitira,
magpapansin din kaya sila? Hindi ko naman gustong lapitan ako ng lalaking 'yon.