Douglas POV Paano ko pakikisamahan ang doktor na siyang gumamot kay lolama? Dalawang taon matapos ang eskandalo, parang gumuho ang mundo ko. Halos lahat ng meron ako pamilya, karangalan, pati si bagets ko ay nawala. Iniwan niya ako, kasama si Ate Cory, dinala ng malaking kahihiyan na ako mismo ang dahilan. Doon na rin ito nagpatuloy ng pag-aaral sa ibang bansa, at mula noon, wala na akong balita sa kanila.Tinanggal lahat ni Ate ang communication ko sa kanya. Tinanggap ko na lang ang lahat, kahit parang tinadtad ng kutsilyo ang puso ko. Siguro nga, mas mabuti na rin iyon para hindi na kami madala sa tukso, para wala nang mas lalong masaktan. Pero itong si King Cobra ko hayop!ayaw paawat. Tuwing makikita ko si bagets sa alaala, nagwawala, tila nanunukso sa mga panahong binrutsa ko ang ka

