“I’m sorry, but I won’t.”
Hindi pa nakakabawi si Arielle sa naging sagot ni Keith ay bigla na lamang nito siyang hinila palabas ng room. Processing pa ang utak niya kaya hindi siya maka-react. Wala siyang magawa maliban sa tingnan ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. Noon niya lamang din napansin na kasunod nila sina Daphne, Kevin, at Jasmine. Tumatawa pa ang mga ito habang tumatakbo na tila ba aliw na aliw.
"Halika, bilisan natin." Bahagya siyang nagulat nang hawakan siya ni Daphne sa kabilang kamay.
Hindi nila siya binitawan hanggang makarating sila sa isang room. Pumasok sila doon. Binitawan siya ni Daphne at naupo agad sa upuang naroon. Tumabi rito si Jasmine at sumandal habang nangingiti. Si Kevin naman ay naupo sa sahig, humihingal na tumatawa.
Siya? Nakatunganga lamang sa kanila. Si Keith ay napapangiting napakamot sa ulo bago binitawan na ang kamay niya. Kagyat na nag-init ang mukha niya dahil sa kaninang pagkakahawak-kamay nila.
"Muntik na tayo doon ah.” Tila nakahinga nang maluwag si Keith sa kung ano. Nilingon niya ito. "Ano bang nangyayari?" wala sa loob na naitanong niya.
"Kita mo namang hindi gumanti si Nico at nagmamadaling umalis. Kung sa ibang pagkakataon hindi iyon basta pupuslit. Ang dahilan, tiyak na alam noon na parating na si Mr. Guazon," paliwanag ni Jasmine.
"Si Mr. Guazon? Yung disciplinarian natin?"
"Yup. Tiyak alam nilang na nagra-rounds si Mr. Guazon ng mga oras na iyon. Maraming alagad si Nico sa paligid kaya tiyak na sila ang nagsabi sa kaniya kanina kaya tumalilis na paalis ang dalawang iyon." Si Daphne naman ang sumagot.
"May kinatatakutan din pala ‘yun gunggong na iyon,” natatawang sabat ni Kevin.
"Ikaw? Hindi ba? Alam mo namang terror si Sir. Tsaka, iba na ang nag-iingat," baling dito ni Daphne. "Kapag nakailang beses niyang nahuli kayo na gumagawa ng gulo, tiyak…"
"Hindi lamang detention ang aabutin natin…" Siya ang nagpatuloy sa sinasabi ni Daphne. Bigla ay parang kinabahan siya. Hindi niya mapigilang alalahanin noong huling dumayo siya ng pangguglo sa B.A. Tiyak mananagot siya kay Mr. Guazon at siguradong ganoon din sa daddy niya. Wala pang alam ang mga ito sa mga nagdaang pangyayari. Pakiramdam niya ay pinagbagsakan siya ng langit at lupa.
"Wag mong masyadong alalahanin si Mr. Guazon. Tiyak wala na naman iyon dadatnan sa loob ng room." Nakangiting pampakalma ni Keith. Wala na ang galit nitong ekspresyon nito kanina. Bumalik na sa pagiging maaliwalas at kalmado.
Napatitig siya dito. Ano bang meron sa kaniya?
"Mabuti at tayo na lamang kami sa canteen." Ngiting-ngiting aya ni Jasmine. Hinila na nito si Daphne bago si Kevin na sana’y aangal pa pero mabilis binigyan ng masamang tingin ni Jasmine.
"Wait," tawag niya at akmang susunod na pero hindi siya pinansin ng mga ito at dali-daling nagsilabasan ng room.
Napuno ng katahimikan ang buong room nang maiwan silang dalawa sa loob.
Tumikhim si Keith. "Ikaw? Anong gusto mong kainin?" pagbasag nito sa katahimikang dumaan.
Matiim niyang tinitigan ito. Para bang wala lang rito ang sinabi niya kanina sa classroom. "Salamat na lang, Mr. Balmaceda. Hanggang dito na lang—“
"Keith." Pagtatama nito sa kaniya pero hindi niya ito pinansin.
"Look, I’m thankful for what you did. But sorry to say this, problema ko ito at labas ikaw o ang mga kaibigan mo rito." Diretso ang tinging deklara niya.
“Come again?” Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito.
She heaved a sigh. "I'm sorry kasi ng dahil sa akin napaaway ka. Thank you sa pagtulong sa akin, simula doon sa hospital at para na rin sa pagtatanggol mo sa akin mula kina Katrina at Nico kanina..." Nag-iwas siya tingin dito at kunwariy pinagmamasdan ang room hanggang dumako ang mga mata niya sa larawan ni Keith kasama ang mga kaibigan na nasa ibabaw ng isang table. Mabilis na lumarawan sa balintataw niya ang masaya at tahimik na samahan ng mga ito na. "Pero sana ay huli mo nang pagtulong ito. Ayokong makagulo sa inyo. " Naging papahina ang tinig niya sa huling mga salita.
Hindi niya alam kung paano sasabihin sa kaniya na huwag na siyang makialam. Sinimulan niya ito at wala siyang balak magsama sa gulong maaaring magsimula.
"Sana?" aniya pero wala parin itong naging tugon. Binalingan niya ito at nag-aalangang sinalubong ang mga titig. "Please, don’t interfere again. Gulo at problema ko ito at ayaw kong mandamay ng ibang tao. Sana please lang huli na ‘yung kanina."
Sandaling pinakatitgan niya ako bago humalukipkip.
"What if ayaw ko?" May paghahamon sa tinig nito.
Si Arielle naman ang napatitig rito. She’s trying to look for the hint na nagbibiro lamang ito but apparently, he looked serious.
"Look, I'm not playing games, Mr. Balma—“
"Again, it’s Keith," pagatatama uli nito.
"Whatever it is!” She said out of exasperation. Binagsak niya ang dalawang kamay. “I already owed you a lot when you brought me to the hospital. When you took care and protected me. And I just don’t know kung paano pa kita pasasalamatan. Marahil ang mas tama na lamang ay ang huwag kitang idamay o kahit sino sa mga kaibigan mo sa problema kong ito."
Matagal na hindi nagsalita si Keith. Nakatingin lang ito sa kaniya na wari ay nag-iisip. "I understand what you’re saying,” simula ni Keith nang makakapa ng sasabihin. “I know I don’t have the right para itanong ito, but are you going to take revenge?"
For the least, Arielle didn’t know kung matatawa ba siya o ano? Kahit naman sino ay iyon ang iisipin. Though, hindi sila ganoon pinalaki ng mga magulang niya. She couldn’t deny the fact that what happened to Margaret pushed her to be someone she’s not used to. However to answer Keith, she pushed a small smile. "Nangako ako kay Margaret kahit noong nabubuhay pa siya na hindi ko sila pakikialaman. I also witnessed how Nico promised na hindi niya sasaktan si Margaret. But then… hindi na tayo dapat magulat na promises are meant to be broken. Kahit anong sikap nating gawin, hindi natin matutupad lahat ng pangakong binitiwan natin.”
Hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit siya nag-e-explain sa binata. Kung tutuusin ang daling sabihing wala siyang pakialam dito, that he should mind his own business pero pagkatapos ng lahat ng ginawa nito, hindi niya kayang gaspangan ito ng ugali.
"Please, leave me alone.” Hindi niya na hinintay pa itong makapagsalita at agad na siyang umalis.
Buo ang desisyon niyang hindi siya mandadamay ng ibang tao sa problema niya. Kung patuloy magiging ganoon si Katrina. Isang bagay lang ang pwede niyang gawin—ang harapin ito. Ang mahalaga ay maagawa niya ang kailangang gawin.
*****