CHAPTER 35 “Mommy, ang sakit! Ang sakit, mommy!” nasa loob na kami ng kotse. Nasa backseat kaming tatlo at papunta na sa hospital. Madaling araw na nang magising ako at bigla na lang sumakit ang tiyan ko. Kalmada lang si mommy, pero si daddy ay kanina pa kinakabahan. Tahimik lang ito sa gilid ko at parang hindi nito alam ang gagawin niya. Kung hindi lang parang mawawasak ang balakang ko ay baka tumawa na ako sa itsura niya kanina pa. Namumutla na ito. Muntik pa itong mahulog sa hagdan ng pababa na kami. At ang masaklap pa ay ang suot niyang sapatos ay magkaiba. Kahit ang damit niya ay baliktad. Mas nagpapanic pa siya kesa kay mommy. He is not on his self today. “Inhale and exhale ka lang, Jacey. Malapit na tayo, sundan mo ako inhale. . . exhale. . . Inhale. . . Exhale. . .” tulungan mo

