CHAPTER 38 Shit! Naabutan siya ni daddy! Dahil hindi nakita ni Walter si daddy ay hindi ito nakapaghanda sa suntok. Malaking tao si Daddy, tumama ang kamao nito sa panga ni Walter. “Dad!” hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko malapitan si Walter dahil hawak ko ang anak ko. Hinarang ni daddy ang katawan niya sa aming dalawa ni Jasminne. “What are you doing here in my house?” sigaw ni daddy sa kanya. Nasa sahig pa rin si Walter. Hawak- hawak nito ang kanyang panga at ngayon ay may kaunting dugo na ang labi nito. “Dad. . . calm down first. Magpapaliwanag ako sa ‘yo,” Galit si daddy sa kanya. At sinabi niya sa akin noon na kapag nakita niya si Walter ay makakatikim ito ng suntok sa kanya. Ginawa niya nga ‘yon. “You are not welcome here! Ang kapal ng mukha mong magpakita rito sa bahay

