CHAPTER 2: The Sad Reality

2078 Words
Chloe's POV; "Dadalin ko muna tong baby kay mommy.. Pinaliwanag ko na sakanya lahat at mukang naging excited pa nung sinabi kong papabantayan ko muna sakanya" sabi ni eunwoo habang karga karga ang bata kaya lumapit ako sa baby at pinisil ang pisngi nito 'Naalala ko yung karga karga ni damon na bata.. ' "Ni hindi man lang natin alam ang pangalan nitong baby nato.." sabi ko at parang nag isip naman si eunwoo "Edi bigyan muna natin ng pansamantalang pangalan.. Hindi naman siguro masama yun diba?" tanong nya kaya ngumiti ako at tumango "Hmm anong pangalan?" tanong ko "Pag ako tinanong mo korean name ang ibibigay ko jan" sabi nya kaya napairap na lang ako "Hmm.. Ano kaya kung liza?" tanong ko at tumango tango sya "Hello liza.. Binigyan ka ni mommy chloe mo ng name! " sabi ni eunwoo habang nilalaro ang bata kaya bumubungisngis ito "Sama ka muna kay daddy eunwoo baby liza ha.. Aalis muna ako" sabi ko habang pinipisil ang pisngi pero nalipat ang tingin ko kay eunwoo na nakatitig sa'kin ngayon "Hindi mo ako masisisi kung bakit ayokong umalis sa tabi mo.. " sabi nya kaya napaiwas ako ng tingin "Napaka swerte ni damon kasi kahit lumipas ang taon sya pa rin yung gusto mo.." sabi nya at ngumiti ng peke "I'm sorry eun woo.. " usal ko pero rinig ko ang pag ngisi nya "Hindi mo kailangan mag sorry.. Kasi gusto ko'to at ginusto ko, i like you.. So much pero hindi ko sinabing gustuhin mo din ako dahil alam ko kung sino talaga ang gusto mo.. " sabi nya kaya ngumiti ako sakanya ng pilit "Salamat kasi naiintindihan mo ako.. Salamat kasi simula nung una hindi mo ako iniwan" sabi ko at ngumiti sya medyi nagulat pa ako ng hatakin nya ako gamit ang isang kamay nya para yakapin ako habang ang isang kamay nya ay buhat buhat ang baby "Kahit ganito lang chloe.. Masaya na ako, basta naaalagaan kita at napo-protektahan kontento na ako don.. Ang ayoko lang yung nasasaktan ka" sabi nya kaya napangiti ako at yumakap na din sakanya at tumingin kay baby liza "Masyadong sweet ang daddy eun woo mo baby liza.." natatawa tawang sabi ko at narinig ko ang pag ngisi ni eun woo kaya kumalas na ako sa pag kakayakap at tumingin sakanya "Mag kita na lang tayo mamaya.. Mag iingat kayo ni baby liza" sabi ko at tumango sya Nauna na akong lumabas tyaka ako dumeretsyo sa sasakyan ko.. Tinupi ko ang white long sleeve ko hanggang sa siko tyaka ko pinaandar ang sasakyan ko.. Papunta ako ngayon sa office ni clyde dahil balak ko ay tumulong pero sa kalagitnaan ng pag da-drive ko ay may naaninag akong pamilyar na muka kaya nang narealize kong sya nga yon ay tinabi ko ang kotse ko tyaka ako bumaba.. Tumakbo ako para maabutan sya.. "Mads! Madison!" sigaw ko at napalingon sya sa gawi ko kaya biglang nanlaki ang mata nya "Chloe?!" gulat nyang tanong kaya tumango ako kaya patakbo syang lumapit sa'kin at agad akong niyakap "Omygosh!! Namiss kita! Saan kaba nanggaling at umalis ka ng walang paalam? Kelan kapa nakauwi? Anong naging balita sayo?" tanong nya kaya pinakalma ko sya "Coffee muna tayo.. Doon ko ipapaliwang lahat" sabi ko pero umiling sya at hinawakan ang braso ko "Mag kikita kita kami ni angel at keila sa restau. Sumama kana" sabi nya "May dala akong sasakyan.. Tara" sabi ko kaya sumama na sya sa'kin.. Pumunta kami sa restau kung saan nandoon sila angel at keila.. Maya maya pa ay nakarating na kami at naunang pumasok si mads Sa hindi kalayuan nakita ko si angel at keila.. Malaki na rin ang pinag bago nila, nag matured na ang kilos at pananamit nila kaya nang madako ang tingin nila sa'kin ay nanlaki din ang mga mata nila na parang hindi makapaniwala "Chloe ikaw na ba yan?!" gulat ma tanong ni angel kaya ngumiti ako "The one and only.. " ngiting sabi ko kaya napatakip pa sya ng bibig "Grabe.. Lalo kang gumanda" sabi naman ni keila habang naka titig sa'kin kaya natawa ako "Umupo kana girl! Marami kang dapat ikwento samin" sabi ni mads kaya umupo na ako "Hindi muna ba tayo mag oorder?" tanong ko "Nakapag order na kami don't worry.. So ano na nga? Bakit umalis ka ng wala man lang paalam o kahit sulat man lang?" tanong ni angel kaya huminga ako ng malalim "Alam nyo naman na kasama sa mga mafia ang family ko at ako ang crown princess.. Nasa kaaway namin ang korona kaya kailangan kong makuha yun.. Pero dahil kaaway nga namin sila ay gusto nila akong patayin para hindi ko makuha ang crown na yun.. Pero dahil nahihirapan silang makuha ako ay gusto nilang idamay kayong lahat para sa ganun madali nila akong makuha kaya napag desisyunan ng parents ko na ilayo ako sainyo.. Para malayo din kayo sa panganib dahil hanggat nakakasama nyo ako ay delikado kayo mas hindi ko kakayanin na mapahamak kayo.. " kwento ko at parang nalungkot pa sila "Eh anong nangyari sayo nung umalis ka?" tanong naman ni mads "Sa california ako nag aral ng college---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mag salita si keila "Sinundan ka ni damon don ah.. Hindi ba kayo nag kita?" tanong ni keila kaya napayuko ako "Nakita ko sya.. Pero hindi nya ako nakita" sabi ko at parang naintindihan na nila ang ibig kong sabihin "Kamusta naging buhay mo dun?" tanong naman ni angel "3years ago tinangkang patayin ako ng Black Horizon ang kaaway namin dahil binalak kong bawiin ang crown kaya pinwersa nila ako at isinakay sa helicopter, may fear of heights ako at alam nyo naman na hindi ako marunong lumangoy kaya.." hindi ko natuloy ang kwento dahil nag flash back na naman sa'kin lahat ng nangyari "Kaya..? " si mads "Binaril nila ako.. Tumama yun sa bandang tagiliran ko at hinulog nila ako mula sa helicopter at bumagsak ako sa tubig.. That time akala ko katapusan ko na pero buti na lang dumating sya.. " sabi ko at nag taka sila "Sinong sya?" tanong ni angel kaya ngumiti ako "Si Lee Eun Woo.. " usal ko at nagulat sila "Yung koreano'ng may gusto sayo nung high school tayo? " tanong ni mads at tumango ako "He saw everything.. Dinala nya ako sa ospital and na comatose ako ng dalawang buwan.. After that hindi ko na tinangkang kunin yun.. Itinago ako ng family ko ng halos tatlong taon after ng nangyari pero pag ka graduate ko ng college ay nag karoon ako ng kontrata sa military kaya sumabak ako sa gera, pero pag tapos non, pag uwi ko sa'min ay natunton ako ng horizon kaya tinangka ulit nilang patayin ako pero dahil may tauhan din kami ay puro sugat lang ang tinamo ko.. " sabi ko at tumingin sakanila.. Mga nag aalala ang tingin nila sa'kin pero nginitian ko lang sila "Grabe pala ang pinag daanan mo don.. I'm sorry kung dinanas mo pa yan para lang protektahan kami" malungkot na sabi ni keila pero umiling ako "Wala kayong kasalanan.. Desisyon ko yun para protektahan kayo lalo na si damon.. " sabi ko at doon na sila natigilan "Alam naba nya ang tungkol dito?" tanong ni mads pero umiling ako "Wala syang alam na kahit ano.. At wala akong balak na ipaalam sakanya dahil mas mapapahamak sya" sabi ko pero malungkot pa rin sila kaya nag taka ako kung bakit hindi din nila kasama ang mga boyfriend nila "Bakit hindi nyo kasama ang mga boyfriend nyo?" tanong ko kaya nag katinginan sila "Wala na.. " malungkot na sabi ni keila kaya kumunot ang noo ko "Hindi ko maintindihan.. " usal ko at saktong dumating na din ang order pero hindi kami agad kumain "2years ago nag transfer si athena at si akira sa MU na ex yun ni Andrew at Lucas.. Nung una hindi namin pinansin dahil alam naming wala na at past na nga sila pero mga ilang buwan lang ang tinagal ay lumalapit lapit na sila sa F4.. Hinayaan namin sila dahil may tiwala kami kila andrew pero after ng graduation kinausap nila kami.. Nakipag break sila at Katulad mo ang sabi nila ay kailangan nilang lumayo para maprotektahan kami.. Hindi namin sila maintindihan pero nakakakutob kami na may itinatago sila.. Then after few weeks may nakarating sa'ming picture.. Nakarating sa'kin ang picture na kasama ni andrew ang ex nyang si akira na nasa iisang higaan sila, si keila naman ay ganun din ang natanggap na picture.. Kasama ni lucas sa iisang kama si athen at parang tulog na tulog pa si lucas, si mads ganun din ang nakuha nya.. Kasama ni zeke si ivy" kwento ni angel kaya napakunot lalo ang noo ko "Kinausap nyo ba sila? Si damon?" tanong ko "Wala silang maibigay na maayos na sagot kaya wala na kaming nagawa.. Halos mag iisang taon na pero napaka sakit pa rin para sa'min.. Si damon ay walang picture na kasama si sunshine dahil simula nung nawala ka nag iba ang ugali nya, masyado na syang seryoso at mainitin ang ulo.. Pero ang balita ay may babaeng kasama si damon sa bahay nila at sa pag kakaalam ko ay veronica ang pangalan nya.. " kwento ni mads at napaisip ako dahil nung nakaraang gabi ay nanggaling ako sakanila at may babaeng yumakap sakanya 'Veronica? Kapangalan nya ang Great Grandmother ko... ' "Bakit nangyayari lahat ng to.. " usal ko pero hinawakan nila ang kamay ko "Wag ka ng masyadong mag isip.. Magiging okay din kami.. Magiging okay din lahat" sabi ni mads kaya nag ngitian kami "Kumain na tayo at kailangan ko pang tapusin ang mga papeles na naiwan ko sa office.." sabi ni keila kaya nag simula na kaming kumain "Kaya pala medyo lumaki ang katawan mo at umikli ang buhok mo chloe, nag sundalo ka pala.. " sabi ni angel kaya napangisi ako "Kailangan putulan yung buhok ko non.. Masyado na kasing mahaba at mahirap ng ipitan" sabi ko at agad na napatingin sakanila "Ano nga pala trabaho nyo ngayon?" tanong ko pa "Sa mga kompanya ng parents namin.. No choice kami e" sabi ni mads kaya tumango tango ako "Balak ko din mag trabaho sa kompanya namin kaso ayaw pa akong pag trabahuhin nila mommy" sabi ko sabay subo ng pagkain "Kailangan mo ng pahinga ano kaba.. " sabi naman ni keila "Hindi ako sanay ng walang ginagawa.. Nung nasa gera kami halos wala na kaming tulog dahil kapag tinulugan yun patay ka.. " sabi ko pa "Walang halong pambobola ah.. Lalo kang gumanda chloe tapos lalo din nadagdagan ang angas mo.. Para kang magandang boyish" sabi ni angel kaya natawa ako "Konti na lang malapit na akong maniwala.. " sabi ko kaya natawa sila Pinag patuloy na namin ang pagkain namin at sa kalagitnaan ng pagkain ay tumunog ang phone ni mads "What?! Omygoshh" usal ni mads kaya napatingin kami sakanya "Anong meron sis?" tanong ni angel at tumingin samin si mads at ang laki ng ngiti "Mag kakaroon daw tayo ng reunion next week! Omygoshh excited na ako!" sabi ni mads kaua tumingin sya sa'kin "May nirentahan daw na malaking bahay at may swimming pool, doon daw tayo mag re-reunion!!" sabi ni mads kaya nayawa kami sa reaksyon nya "Kaso nandun sila lucas.. Baka makita kong mag kasama sila ni athena" malungkot na sabi ni keila pero hinawakan sya ni angel "Kailangan mong maging matapang.. Ano ngayon kung mag kasama sila don? Kailangan makita nyang hindi kana apektado" sabi ni angel "Oo nga! Pupunta tayong apat don.. Kailangan natin pumunta don at tyaka reunion ang punta natin don hindi sila tsk! Hayaan mo na yun" sabi pa ni madison "Wag kayong panghinaan ng loob.. Kailangan maging matapang kayo na harapin lahat kasi habang tinatakbuhan nyo yun mas lalong mahihirapan kayo.. Wag nyong pilitin mag move on hayaan nyo ang panahon ang desisyon" sabi ko at nginitian sila Ilang minuti pa kaming nag tagal doon at nag decide na rin kaming umalis dahil may mga trabaho pa sila kaya naman napag isipan ko na rin na dumeretsyo kay clyde.. Hindi ko maiwasang malungkot dahil ang binuo naming saya ay parang nawala na.. Nawala na lahat at nag bago na lahat.. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari sa buhay namin to na ang hangad lang naman namin ay maging masaya pero parang pinag kakait yun sa'min.. Hinihiling ko na sana hindi pa huli ang lahat para bumalik sa dati.. Bumalik yung saya katulad ng dati.. 'Gusto kong bumalik sa umpisa kung paano kami naging masaya nung una'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD