Chloe's POV;
"Chloe.. " nang marinig ko ang boses na yun ay nagising ang diwa ko pero hindi ko agad idinilat ang mata ko
"Chloe gising.. " ramdam kong inuugoy nya ako kaya inis akong dumilat at parang nagulat pa sya
"What?" inis na tanong ko
"Wala ka bang balak gumising?" pag susungit nya kaya inis akong tinalikuran sya at niyakap ang unan ko
"Inaantok pa ako.. Pumasok kana sa trabaho mo" sabi ko at rinig ko ang pag singhal nya
"Baka nakakalimutan mong death anniversary ni papu ngayon.." agad akong natigilan nang sabihin ni clyde yun "Pauwi na sila mommy kasama sila mamu.. Tumayo kana jan" dagdag nya at agad na lumabas
Agad akong umupo at tumingin sa side table, kinuha ko ang picture ni papu at ngumiti..
"6years na pala papu.. Tagal na rin pala simula nung umalis ka, hayss sana nandito kapa.. " sabi ko at binalik ang picture sa side table
Nandito kami ni clyde sa bahay nila mamu kung saan dito lumaki si mommy.. Ayaw na nilang bumalik kami sa condo ni clyde dahil masyado daw delikado, tumayo ako at agad na lumabas.. Sumilip muna ako kung saan ang kwarto ni papu dati at napa buntong hininga na lang, pag baba ko ay naabutan ko si clyde na nag luluto sa kusina kaya umupo ako sa dining area
"Okay naba yang sugat mo?" tanong nya habang nag luluto kaya medyo tinaas ko ang damit ko para tignan ang sugat ko
"Natutuyo na.. Tsk! May sugat na naman ako" inis na sabi ko
"Sa susunod wag mo nang gagawin yun.. Baka matuluyan kapa sa ginagawa mo e" sabi nya kaya sarkastiko akong tumawa
"Kung hindi ko ginawa yun baka ikaw ang may sugat ngayon.. Tsk! Maarte kapa naman" sabi ko at inis nya akong tinignan
"Dibale sana kung malakas yang katawan mo.. Low blood, may asthma tapos mahina pa yang puso mo, baliw ka pala e" sabi nya kaya tumayo ako at lumapit sakanya
"Suntukan na lang?" pabirong sabi ko kaya napangisi sya
"Kawawa ka.. " sabi nya pero inangasan ko sya at mahinang sinuntok ang braso nya kaya agad syang napa tingin sa'kin
"Siguro bading ka no? Tsk! Hanggang ngayon hindi ka pa rin nag kaka-girlfriend nakakapag taka" sabi ko at kunyaring tunatawa, pinatay nya ang kalan at sinalin na ang mga niluto nya
"Baka kapag niligawan ko ang kaibigan mo magulat ka.. " sabi nya at doon ko lang naalala yung kinwento sa'kin ni madison
"Teka.. Nakipag date ka daw kay keila?" nag tatakang tanong ko kaya ngumisi sya at agad ko namang sinuntok ng medyo malakas ang braso nya
"Aray ano ba!" singhal nya
"Wag mong pag ti-tripan si keila babangasan talaga kita!" sabi ko at natawa naman sya
"Ano akala mo sa'kin play boy?" sarkastikong tanong nya kaya napangisi ako
"Bakit hindi ba? Baka nakakalimutan mo nung highschool tayo" sabi ko kaya natawa naman sya
"Napaka tagal na non.. Kasalanan ko bang nag kagusto sila sa'kin?" natatawang sabi nya at umupo na kaya sumunod na ako
"Sinasabi ko sayo.. Kapag may ginawa kang kalokohan siguraduhin mong mabilis kang tatakbo dahil kapag naabutan kita malulumpo ka" sabi ko pero nginisihan nya ako at nag start kaming kumain
"Kalokohan agad? Tsk! Wag ka mag alala wala naman akong balak ligawan yun.. Mukang mag kakabalikan naman sila nung ex nya" sabi nya kaya natigilan ako
"Paano mo naman nasabi?"
"Nung nag date kami kasama namin yung ex nya tyaka si athena" sabi nya kaya napatingin ako sakanya
"Bakit mo kilala si athena?"
"Batch mate ko sya sa US.. Pero teka maiba tayo, sabi mo okay na kayo ni damon pero bakit hindi pa kayo nag kakabalikan?" tanong nya kaya natigil ako sa pag nguya
'Hayst! Napaka tanong amp'
"Hindi naman kami nag break ah.. " pag papalusot ko
"Sus.. So inintay ka talaga nyang bumalik? Ayos ah" sabi nya kaya nawalan na ako ng gana kumain
'Sana nga ganun na lang yung nangyari.. Kaso parang palabo ng palabo yung sitwasyon namin'
Sa kalagitnaan nang pagkain namin ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mga pinsan kong maiingay at mga tito at tita ko.. Pero naagaw ng pansin ko si mamu na tulak tulak ni tito kevin sa wheel chair
"Finally! Nasa bahay na ulit tayo" rinig kong sabi ni ate snow at agad na umupo sa sofa kaya lumapit na kami ni clyde
"Welcome back!" sabi ni clyde nang makalapit kami
"5years din yun ah! Nakakamiss naman dito!" nakangiting sabi naman ni tita tiffany
"Ayusin muna natin yung gamit tyaoa tayo dumeretsyo kay papu" sabi ni kuya inigo habang dala dala ang maleta nya
Ang iba sakanila ay umakyat at nag kanya kanyang pasok sa kwarto para mag ayos ng gamit.. Lumapit ako kay mamu na inililibot ang paningin sa buong bahay
"Hi mamu.. " bati ko at umupo sa harap nya kaya napatingin sya sa'kin at agad na napangiti
"Kamusta apo?" tanong nya kaya ngumiti ako
"Okay lang po.. Kayo kamusta?"
"Ito.. Namimiss ang papu mo" sabi ni mamu at halata sa mga mata nya ang lungkot kaya pinilit ko pa rin na ngumiti
"Paniguradong namimiss na rin po kayo ni papu.." sabi ko at hinawakan naman nya ang buhok ko at hinawi yun
"Pwede mo ba akong samahan sa kwarto ng papu mo?" nakangiti ngunit malungkot na tanong nya kaya tumango ako, tumayo ako at lumapit kila mommy at daddy
"Mom, samahan ko muna si mamu sa taas.. " sabi ko at parehas silang napatingin kay mamu na inililibot pa rin ang paningin sa buong bahay
"Libangin mo muna si mommy anak.. Mag patulong ka sa mga tito mo para iakyat sya ha.. " sabi ni mommy kaya tumango ako, yumakap muna ako kay mom and dad bago ako nag patulog kila tito kevin na iakyat si mamu sa kwarto nila ni papu dati
Nang makaakyat kami ay iniwanan na kaming dalawa ni mamu kaya sinara ko ang pinto at tinulungan na makaupo sa higaan si mamu.. Kinuha nya ang picture ni papu sa side table at pinag masdan yun. Nakangiti sya pero hindi maitatago ang lungkot sa mga mata nya at hindi na napigilan ang emosyon
"Napaka bait ng papu mo.. Hindi ko lubos aakalain na magiging ganon ang pag kamatay nya kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na wala na sya.. Because i really love him and I miss him so much" sabi ni mamu at nakita ko ang dahan dahang pag tulo ng luha nya at pumatak yun sa picture ni papu
"He filled our lives with happiness that we will carry in our hearts forever.." usal ko at ramdam ko ang pangingilid ng luha ko
"Matanda na ako apo.. Alam kong malapit na rin ako at gusto ko na rin makasama ang papu mo.. " sabi nya kaya napasulyap ako sa picture ni papu at agad na tumulo ang luha ko
'Hindi ko kaya.. '
"Mamu.. " tanging usal ko kaya napatingin sya sa'kin at ngumiti, hinawakan nya ang kamay ko at pinaupo sa tabi nya
"Marami na akong iniindang sakit apo.. Marami na rin ang nagawa sa mundong ito.. Gusto ko nang mag pahinga at makasama na ang papu mo" usal nya kaya kusa ko na lang naipikit ang mata ko habang dumadaloy ang luha
"K--kapag.. Nakita po kayo ni papu.. I--ikamusta nyo po ako ha.." hikbing sabi ko at rinig ko ang impit na pag hagulgol ni mamu kaya hindi ko na napigilan ang emosyon ko at agad na yumakap sakanya "Pero sana.. Wag muna ngayon mamu.. Kailangan kapa namin.. " sabi ko at hinagod hagod nya ang likod ko
"Pangako.. Ikakamusta kita sa papu mo, mag papaka-tatag ka apo dahil yun din ang gusto ng papu mo.. " sabi nya at agad na kumalas sa pag kakayakap. Pinunasan nya ang luha ko at agad na ngumiti "Wag na wag kang mag papaapi apo.. Ayokong makikitang pinahihirapan ka ng iba.." dagdag pa nya kaya ngumiti ako
"Yes mamu.. " sabi ko at nag punas na din sya ng luha nya
"Kamusta ang nobyo mo? Nag kita naba kayo?" tanong nya kaya unti unti akong napaiwas ng tingin pero ngumiti na lang ako ng pilit
"Nag kita napo kami.. Wag kayong mag alala.. Ayos po kaming dalawa" sabi ko at tumango tango sya
"Mabuti kung ganon.." sabi nya at hinawi ang buhok ko't inilagay sa likod ng tenga "Parang dati lang ay ang mommy mo ang inaabangan kong ikasal.. Pero ngayon parang gusto na rin kitang makitang ikakasal"sabi nya kaya napakamot na lang ako sa ulo
"Wala papo yan sa plano ko mamu.. Gusto ko muna mag trabaho at ienjoy ang buhay" sabi ko kaya medyo natawa sya. Nag kwentuhan pa kami ng ilang minuto don at kalaunan din ay nag ayos na kami para maka punta kay papu.. Lahat kami ay nag punta pwera lang kila lolo at lola ang mommy at daddy ni daddy dahil nasa States sila. Pag karating namin doon ay nag tulos agad kami ng kandila at nag dasal..
"I miss you dad.. " usal ni mommy kaya napatingin ako sakanya
Mag kakatabi sila nila tito kevin, tito karl, tito kenji at si mamu.. Kumpleto sana sila si papu lang ang wala.. Maya maya lang ay nasilayan ko na naman ang pag iyak ni mamu na parang hindi na kayang itigil kaya napaiyak na lang din si mommy habang sila tito ay inaalalayan sila.. Ang iba ay naiiyak na rin kaya itiningala ko ang ulo ko para sa nag babadyang pangingilid ng luha ko
"Napapagod na ako.. " usal ni mamu at narinig ko na ang pag hagulgol ni mommy at ang iba pa "Gustong gusto ko na mag pahinga.. " dagdag pa nya
"Mommy naman!" sabi ni mom habang pinupunasan ang luha nya
"Hindi na ako pabata anak.. At panatag na ang loob ko dahil alam kong kaya nyo nang mag kakapatid, Gusto ko na rin makita ang daddy nyo.." sabi ni mamu at nag patulong sya kila tito na iupo sya sa d**o kung saan nandoon ang lapida ni papu tyaka sya umiyak ng umiyak kaya napatalikod na lang ako at naramdaman ko ang pag hawak sa balikat ko kaya napatingin ako sakanya
"Mag paka tatag ka.. Dahil kahit itanggi natin ay alam na natin ang mangyayari.." mahinang usal ni clyde kaya napasulyap ako kay mamu na patuloy pa rin sa pag iyak
"Hindi ko pa kaya clyde.. Hindi pa" mahinang sambit ko
"Just be ready.." usal pa nya kaya tumalikod na ako
"Sabihin mo na lang sakanila na mag papahangin lang ako.. " sabi ko at tuluyang umalis.. Pumara ako ng taxi, pumunta muna ako sa convenient store para bumili ng dalawang can ng beer at agad akong pumunta sa secret place
Pag dating ko dun ay umupo ako sa duyan at binuksan ang isang can tyaka ko yun ininom.. Madilim ang ulap at parang uulan pero hindi ko na yun inintindi pa at inubos na ang beer na binili ko.. Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko at hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ang mga susunod pang mangyayari kung sakali.. Nagiging komplikado na ang lahat lahat, minsan napapaisip na lang ako na sana pwedeng ibalik ang panahon para mabalikan yung masasayang araw na nangyari sa buhay ko.. Yung mga panahon na buhay pa si papu at masayang masaya kami. Yung mga panahon na wala akong ibang iniintindi kundi ang sarili ko lang.. Yung mga panahon na buong buo pa ako dahil ngayon ay para na akong papel na punit punit at malabo ng mabuo ulit
'Bakit kailangan pang dumaan ako sa napaka hirap na proseso?! Bakit?!'
Bumuhos ang ulan at kasabay non ay pag tulo ng luha ko.. Hindi ko na inisip na nababasa na ako dahil lutang na lutang ang isip ko at napaka bigat ng pakiramdam ko.. Nararamdaman ko na ang ginaw at masamang pakiramdam ko pero mas pinili ko pa rin na manatiling nakaupo sa duyan hanggang sa napag desisyunan kong humiga kaya ramdam ko ang buhos ng ulan sa muka ko pero hindi ko na yun inintindi pa..
Damon's POV;
Inis akong nag drive papunta sa kung saan dahil hindi ko alam kung bakit hindi mapalagay ang loob ko.. Pero sa kalagitnaan ng pag mamaneho ko ay bumuhos ang ulan kaya naman napahampas ako sa manibela at mas binilisan ang pag papatakbo ng sasakyan.. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero dinala ako ng sarili ko sa lugar kung saan gusto ko ng kalimutan.. Pag karating ko dun ay bumaba ako at hindi inintindi ang pag buhos ng ulan, inis akong nag lakad pero napatigil ako nang may maaninag akong nakahiga sa duyan kaya agad na kumunot ang noo ko
'Patay naba yun?'
Dahan dahan akong lumapit at hindi ko masyadong maaninag ang muka nya dahil madilim na at malakas ang ulan.. Lumapit ako nang tuluyan at nagulat ako nang makita ko sya.. Nakapikit sya habang basang basa na ang damit nya kaya hindi ko alam ang gagawin ko
'Gigisingin ko ba to? Tsk! Nag papaulan! Nasisiraan na yata ng ulo talaga to'
Niyugyog ko ang duyan pero laking gulat ko nang bumagsak ang kamay nya at doon ko lang napansin na namumutla na ang labi nya kaya kinapa ko ang noo nya at halos mailayo ko ang palad ko dahil sa init ng noo nya.. Marahan ko syang niyugyog pero hindi sya gumigising kaya napabuntong hininga ako at dahan dahang binuhat sya at agad na pinasok sa loob ng kotse
"Ano bang pumasok sa kokote mo at nag paulan ka tsk! Puro kalokohan ang nasa isip" inis na sabi ko at kinuha ang coat ko sa likod ng sasakyan tyaka ko yun ikinumot sakanya.. Pumasok ako sa loob at agad na pinaandar yun pero kung minamalas ka nga naman ay naubusan ako ng gasulina at agad na namatay ang sasakyan
Napahilot ako sa sentido ko at napasulyap kay chloe na hindi pa rin nagigising kaya inis akong bumaba sa sasakyan ko at bubuksan na sana ang pinto ng sasakyan nang may maaninag akong isang maliit na bahay kaya mabilis akong tumakbo at kumatok.. Ilang sandali la ay bumumas din yun at bumungad sa'kin ang isang matandang lalaki at babae
"Anong kailangan mo hijo?" nakangiting tanong ni lolo
"Pwede po bang tumuloy muna kami dito ng kasama ko.. Naubusan po kasi ako ng gasulina at malakas rin ang ulan.. Inaapoy din po kasi ng lagnat ang kasama ko" sabi ko at nakita ko ang pag aalala sa mata nila
"Ayy oo naman.. Kaming dalawa lang naman ang naririto.. Halika at pumasok kayo ng kasama mo" sabi naman ni lola
"Maraming salamat po.. Sandali lang po susunduin ko lang ang kasama ko" sabi ko at agad na bumalik sa sasakyan
Binuksan ko ang pinto at bubuhatin na sana sya nang makita kong dumilat ang mga mata nya pero halatang nanlalata sya dahil mapungay pungay na yun
"Hmm... " ungot nya at napapikit ng mariin
"Bubuhatin kita.. Sandali lang" sabi ko at agad na binuhat sya
Mabilis akong nag lakad dahil basang basa na kami, nang makarating kami ay nagulat pa sila nang makitang buhat buhat ko si chloe pero agad din nila kaming pinapasok.. Binigyan nila kami ng tuwalya pero mas inuna kong punasan si chloe dahil mukang ginaw na ginaw na sya
"Namumutla na ang kasama mo at inaapoy na ng lagnat" sabi ni lolo
"Kanina papo kasi sya nauulanan" sabi ko at nakita kong lumapit si lola
"Lumabas muna kayo at papalitan ko lang sya ng damit dahil basang basa ang soot nya at masamang matuyo pa yun.. Ikaw hijo ay mag palit kana rin" sabi ni lola kaya lumabas muna kami ni lolo tyaka nya ako binigyan ng damit.. Halatang sakanya yun dahil luma na at manipis ang tela pero hindi ko na yun inintindi dahil basang basa na rin ang soot ko.. Nag palit ako tyaka ako lumabas
"Nobya mo ba ang kasama mo hijo? Abay baka nag aalala na ang pamilya nyan.. " sabi ni lolo
"Ipapaalam ko na lang po sa pamilya nya na kasama ko sya wag po kayong mag alala" sabi ko at tinapik nya ang balikat ko
"Mag luluto lang ako ng mainit na sabaw para sainyong dalawa.. Maiwan muna kita"
"Sige po" nag punta na sya sa kusina kaya umupo muna ako sa kahoy na upuan pero maya maya lang din ay lumabas si lola habang dala dala ang basang damit ni chloe
"Puntahan mo muna ang kasama mo hijo.. Mag luluto lang kami ng makakain nyo" ngiting sabi ni lola kaya napangiti ako
"Maraming salamat po.. At pasensya na rin sa abala" sabi ko pero umiling sya
"Wala yun hijo.. Kaming dalawa lang naman ang mag kasama kaya ayos lang.. Sige na puntahan mo na ang magandang dalaga na yun" sabi ni lola at sumunod na kay lolo
Pumasok ako sa maliit na kwarto at nakita ko si chloe na nakahiga kaya lumapit ako don.. May soot soot syang manipis din na T-shirt at nakakumot na rin sya.. Hinawakan ko ang noo nya at hindi pa rin bumababa ang lagnat nya
"Lagi mong pinapahamak ang sarili mo tsk!" inis na sabi ko at inayos ang kumot nya pero bigla syang umungot
"Hmm.. P--papu.. " usal nya at napatingin ako sa muka nya
Nakakunot ang noo nya at medyo namumula na ang pisngi nya pero mas naagaw ng pansin ko ang pag tulo ng luha nya habang ang mata nya ay nakapikit.. May kung anong kumurot sa puso ko nang makita ulit syang lumuluha kaya iniwas ko ang paningin ko sakanya
'Ano bang nangyayari sa'kin?!'
"P--please don't leave me.." usal nya ulit kaya napatingin na naman ako sa muka nya.. Patuloy sa pag tulo ang luha nya kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at agad na yumuko at pinunasan ang luha nya
'Arghhh!! F*ck this feeling!!'
Pero natigilan ako nang hawakan nya ang kamay ko at dahan dahang dumilat ang mapungay nyang mata.. Namumuo ang luha doon at agad na tutulo kaya pinag masdan yun. Tumitig ako sa mata nya at naramdaman ko ang panginginig ng kamay nya at kasunod non ang pag pikit ulit ng mata.. Doon ko napansin na nanginginig na pala ang buong katawan nya kaya wala ako sa sarili humiga sa tabi nya at agad na niyakap sya.. Ramdam ko ang mainit na hininga nya sa dibdib ko kaya binaon ko sya don at niyakap sya ng hindi ganon kahigpit para mainitan ang katawan nya. Naipikit ko ang mata ko nang maramdaman ko ang kamay nya na humawak sa dibdib ko
'Chloe please...'
Sinulyapan ko ang muka nya na pinag papawisan na kaya pinahid ko yun gamit ang palad ko at hinawi ang buhok nyang tumatakip sa ibang parte ng muka nya.. Nasilayan ko ang napaka among muka nya, ngayon ko na lang ulit nalapitan sya ng ganito kalapit kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at hinaplos ang muka nya, may kirot sa puso akong naramdaman sa hindi malamang rason.. Naalala ko ang huling pag sasama namin bago sya nawala.. Kaya pala nung araw na yun ay napaka lungkot ng muka nya at parang laging napaka lalim ng iniisip ay yun na pala ang senyales na aalis na sya.. Nilamon ng galit ang puso ko nung mga panahon na yun at hanggang ngayon ay hindi ko maiwasan yun.. Kumunot ang noo ko at naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko habang pinag mamasdan ang muka nya
'Ang hirap chloe.. Napaka hirap!'
Tumulo ang luha ko nang maramdaman ko ang dahan dahang pag yakap ni chloe kaya napapikit ako nang mariin dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko.. Napatingin ulit ako sa muka nya na payapang natutulog hanggang sa unti unting bumaba ang tingin ko sa labi nya at doon nag simulang kumabog ang dibdib ko at may kung anong tumutulak sa'kin para gawin yun.. Hinawakan ko ang pisngi nya at dahan dahan kong inilapit ang muka ko, naipikit ko ang mata ko at kasunod non ang pag tulo ng luha ko.. Sa muling pag kakataon naramdaman ko ulit ang malambot na labi ni chloe.. Napaka tagal na nung huling naramdama ko'to at parang hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil sa emosyon na nararamdaman ko.. Hindi ko ginagalaw ang labi ko at nananatiling nakalapat ang labi ko sa labi nya.. Pero sa hindi ko inaasahan ay gumalaw ang labi nya na lalong nag pabilis ng pag kaabog ng dibdib ko.. Kusang sumunod ako sa bawat galaw kaya napadaosdos ang kamay ko papunta sa batok nya para mahalikan sya ng maayos.. Sa bawat dampi ng labi nya ay sya ding pag haplos sa puso ko na para bang tinatanggal nya ang lahat ng sakit at galit na namumuo sa sistema ko..
'You're making me crazy chloe.. And i f*cking hate it!'