Two days later… Simula ng gabing iyon ay hindi na mapakali si Glory. Hindi niya alam kung ano ang kanyang nagawa. Walang makakaalam. Walang makakaalam. Pangungumbinsi niya sa sarili ngunit tila ayaw siyang patahimikin ng sariling kunsensya. Naiisip niya kasing kung mamamatay si Enrico ay hindi na kailangan pa ng mga divorce papers, mavo void ang appeal nito sa korte at tuluyan na siyang magiging biyuda, makukuha niya rin ang pera at ari arian nito dahil siya pa rin ang asawa dahil hindi pa naman talaga sila tuluyang hiwalay pero kung hahayaan niya lang na mabuhay ito ay palagi siya nitong guguluhin at hindi patatahimikin hanggat may hindi magandang nangyayari sa kanya. Posibleng hindi siya saktan nito or gawan ng masama dahil kung si Ralph nga na walang kaalam alam ay pinagbantaan ni

