Chapter 37 : I'll Protect You Celine's POV "Charles!" sigaw ko. Bigla niyang hininto iyong sasakyan at tumingin sa akin. Lumapit siya sa akin... Shems! Naaamoy ko iyong hininga niya. Ang bangooo! "Relax ka lang, okay? Pupunta lang muna tayo sa bahay namin. Ayaw naman kitang iuwi sa inyo ng ganyan," sabi niya at ngumiti. Nakampante ako pero hindi pa rin pala kase magkalapit pa rin iyong mga mukha namin. "At hindi kita hahalikan. Inaayos ko lang iyong seat belt mo kaya mag-relax ka na." Ngumisi siya pagkatapos ay lumayo na sa akin at tumawa. Bwisit ang pula ko ata huhuhu. Ramdam ko kase talaga hininga niya sa mukha ko kanina. "Namumula ka?" tanong niya sabay tawa. Bwisit 'to! Kailangan niya pa ba talagang sabihin? Haist. "Nilalamig lang ako!" sabi ko ko at inirapan siya. "Kailangan

