Chapter 33 : Marc's Reasons Celine's POV At natapos ang performance... "Ano ka ba? Sinira mo iyong performance!" "Sinayang mo iyong pinaghirapan natin. Tsk." Sinisisi ako ng mga members ko dahil sa kapalpakang nagawa ko kanina. "Sorry..." Iyan na lang ko sa kanila. "No! Huwag kang magsorry sa kanila. You didn't do anything wrong," sabi ni Charles nang makalapit siya sa amin. Agad niya akong inalalayan pagkatapos ay hinarap niya ang mga members ko. "That was an accident. Hindi niya sinasadya at hindi niya ginusto. Imbes na tulungan niyo at tanungin kung ayos lang siya, sisisihin niyo pa," sabi ni Charles sa mga kagrupo ko. "Oo nga. At kayo? Baka lang nakalimutan niyo, siya po ang leader niyo. Sa mga practice, ilang beses niya ba kayong pinagpasensyahan at inintindi sa mga pagkak

