Chapter 45 Emz's Pov “Oh, gising ka na; Gigisingin pa lang kita." Lumapit ako kay Manang na abala sa pagluluto. “Si Manang naman binibaby ako." “Baby ka pa naman, ha? Wala ka pa namang asawa, maliban na lang kung maisipan mo nang magkaroon ng sariling pamilya. Sobrang sabik ako na magkaroon ng bantay sa iyo." "Manang! Nang-aasar ka pa po." Tumawa si Manang at niyakap ako. "Oh! Ayan, nagluto na ako. I'll serve you." Naalala ko pupuntahan ko si Cherry sa kabilang bahay. Kumuha agad ako ng lalagyan. Nilagay ko lahat ng niluto ni Manang. Napatingin sa akin si Manang ng kakaiba. "Saan mo balak ibigay ‘yan?" Lumingon kay Manang. “Diyan lang po Manang. Hindi na ako makakasabay sa'yo. Sige po Manang, babalik na lang po ako mamaya." Napatulala na tumingin sa akin si Manang. Lumabas a

