Chapter 26 John's Pov “Bukas na ang kasal ni Cherry diba? Itutuloy ba ‘yon?" Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. "Sana nga Mark, kasi may malungkot sa tabi natin. Balita ko may plano sila sa kasal ni Cherry. Ano kaya iyon?" Tinignan ko ‘yong dalawa, face-to-face talaga. Ang sarap din sapakin. Gusto talagang matuloy ang kasal. Kaibigan ko ba talaga sila? "Kayong dalawa, gawin ninyo ang pinapagawa ko sa inyo. Hindi ‘yong umagang tsismis," sabi niya sa kanila. "Nakikinig ka sa amin." sabay tawa ni Emz. "Tama ka Emz. Hindi siya kinakausap. Ikaw ang marites sa amin." Hinarap ko sila. Nasasaktan na ako, tapos ngayon pinaparinggan nila ako. "Iyong isa diyan, Emz, malungkot. Mag-move on ka na, pare." Sabay silang dalawa. Bad tripping. "Manahimik kayo." Sa inis ko iniwan ko na

