Chapter 50 Cherry's Pov Bigla akong nagutom. Iniwan ko muna ang mga kasama ko. Mukhang enjoy sila sa pagsasayaw. Natatawa ako kay Ryan. Game na game, pero iyong katabi ko ay nakasampalok ang mukha. Mukhang mortal na magkaaway sina Jackie at Jon. "Kukuha muna ako ng pagkain," sabi ko kay Jackie. Tumango lang siya sa akin. Tumayo ako para kumuha ng pagkain ng biglang may lumapit sa akin. Tumabi pa talaga. Kinabahan ako dahil alam kong si John ang lumapit sa akin. Huminto ako at humarap sa kan'ya. Panay ang tingin sa akin ni John. Seryoso ang mukha niya nang bigla niya akong niyakap. Nagulat ako ng binitawan ko siya, at hinarap ko siya. "What are you doing? Your girlfriend is there," mahinang sabi ko sa kan'ya. "Puwede ba tayong mag-usap?" Napatingin ako sa kan'ya. "Wala tayong da

