"Hindi ko na alam kung paano pa ako makakabayad sa lahat ng utang na loob ko sayo." Sabi niya sa kaibigan habang inaayos nila ang mga pinamili sa loob ng kaniyang apartment. "Diba sabi ko naman sayo, nandito lang ako lagi para sayo." Nakangiting hinawakan siya ng kaibigan sa kamay. "Salamat talaga." Naluluhang sabi niya. "Sus! arte nito!" Nakatawang kinurot siya nito sa tagiliran. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag wala ka." Sabi pa niya. "Hay nako! Maliit na bagay. Basta ha, kapag may time ka pwede ka naman maki marites diyan sa mga kapit-bahay mo. Itong katabi mong room, college din yan bale dalawa sila, sa ibang school nga lang, tapos yung sumunod mag-asawa yun may isang chikiting, yung isa naman mga nurse mga nandun. Basta yung mga susunod na room bahala na, hindi

