Isang araw, habang naglilinis siya nakarinig siya ng katok mula sa labas ng kanilang condo. Napatingin siya sa orasan at alas kuwatro pa lang naman ng hapon, mamaya pa ang dating ni Ram galing paaralan. Nagtataka man pero lumapit siya sa pinto at binuksan iyon. Napanganga pa siya ng tumambad sa kaniyang harapan ang nakataas-kilay na si Doña Esmeralda. Dinaanan lang siya nito at tuluy-tuloy na pumasok ito sa loob ng kanilang condo. "So, dito ka na rin talaga nakatira sa condo ng anak ko?" Tanong nito, naramdaman niya agad ang galit sa boses nito. "Ang kapal din naman ng mukha mo ano? Matalino ka pa naman din pero hindi mo ginagamit ang utak mo! Nagpabuntis ka pa talaga sa anak ko at sa kagagawan mo nagkagulu-gulo ang pamilya ko." Galit na sabi nito. "Ano, masaya ka na ba dahil nak

