"f**k!" Mura agad nito pagkabasa sa text nito sa kaniya, bigla itong naguluhan. "Oh ano, naalala mo na? Kaya nagpunta ako sa restaurant na iyon dahil nag text ka sa akin, pero pagdating ko doon ibang lalaki yung dumating at hindi ikaw!" "No, f**k! hindi kita tinext! Wala akong alam diyan. Hindi ako ang nagtext sayo!" Galit na sabi nito at kulang na lang ay magwala ito. "Anong ibig mong sabihin na hindi mo ako tinext? Eh cellphone number mo nga yan oh diba?" "Hindi nga kita tinext!" "So, anong ibig mong sabihin? Na hindi para sa akin ang message mo na iyon? Na dapat ay kay Scarlet yun ganun ba?" "No!" "Kung hindi, para kanino dapat yun?" Naguguluhang tanong niya. "Hindi kita tinext okay? Wala akong alam diyan! s**t!" Mura nito at bigla na lang siya nito iniwan saka galit na ibin

