"Jia may napansin ako sayong kakaiba."Ha,anong kakaiba Francine?"Girl inlove ka ba?"Ako,inlove?"Tumigil ka nga dyan!"Naku,nand'yan na yata sila beshy,makikita ko na ang oppa Erros ko."
Kakatapos namin magbihis ni Francine,dito siya natulog kagabi sa bahay at inimbitahan kong sumali sa family dinner namin.Natuwa naman s'ya dahil ngayon n'ya lang daw ulit makita ai Erros.Umakyat kami sa kwarto upang magbihis.
"We're here!Kuya,auntie kaninong bahay ito?"Basta Ethan malalaman mo nalang mamaya."Ano ba 'yan pinipilit nyo akong sumama e wala akong gana,namimiss ko na si Alexandra.Tatawagan ko sana sila sa U.S."Bumaba kana dahil may kakausapin pa ako."Oh,si Francine 'yan ah.Don't tell me kuya dito tayo magdinner sa bahay nila."Dami mong tanong,sige dito ka lang sa kotse at susunod na 'ko kay auntie."
Hindi namin ni auntie sinabi na dito kami magdinner kina Jia,para masurprise s'ya.Ayaw sana sumama ng kapatid ko kaso pinilit ko lang.Pagkapasok ko ay namangha ako sa makabagong desinyo ng bahay nila.Nasa sala sila auntie at tito Alejandro.Binati ko si tito at umupo saglit sa isang sofa at nagbasa ng mga magazines na nakadisplay.Hindi pa sumunod si Ethan halatang nagtatampo sa akin.Narinig kong may pinag-usapan sila tito at auntie about pamanhikan,sino at kanino?Hindi ako mapakali kaya tumigil ako sa pagbasa at nagkunyaring hindi nakikinig.
"Sigurado ka ba d'yan sa desisyon mo Alejandro?"Ito na siguro ang magandang desisyon na gagawin ko para sa anak ko ang makasal sa isa sa mga pamangkin mo Anelia."Paano kung ayaw ni Jia?"Papayag yang anak ko,Anelia hindi pwedeng iwanan ko ang anak kong mag-isa."
Iyon ang narinig ko kay tito Alejandro,aalis ba s'ya?Bakit iiwanan niya si Jia?Nakita kong bumababa na si Jia at hindi ko mapigilang matulala sa magandang dalagang pababa ng hagdan.Napakasimple lang ng suot niyang floral dress pero akala mo sinong dyosang bumaba mula sa itaas.
"Hello po tita,hi Erros."Hello,Jia napakaganda mong babae talaga."Salamat po."Erros iho,saan si Ethan?Erros.."Ha,na..nasa kotse pa po auntie."Ay naku itong batang ito,alam nyo kasi ayaw sumama,paano itong Erros hindi sinabing dito sainyo magdinner."Ganun po ba,pupuntahan ko nalang po sa kotse."A..ako na Jia,lagot sa akin 'yon,nag iinarte.
Iyon nalang sinabi ko na ako na susundo kay Ethan dahil hindi ko mapigilang matulala sa babaeng kaharap ko at mukhang nahalata iyong ni auntie.Alam kong gusto ni auntie na ligawan ni Ethan si Jia.Kaya pumayag agad ito ng inimbitahan kami ni tito Alejandro.
"Ethan bumaba kana d'yan mag uumpisa na ang dinner."Ayaw ko nga ang kulit mo kuya,hintayin ko nalang kayo ni auntie dito.Ayaw ko makaharap ang Francine na iyan,baka mag asaran lang kami."Bahala ka nga d'yan,galit na si auntie sa'yo."Bahala kayo,kumain kana doon.
"Talaga bang ayaw mo magdinner dito sa bahay namin Ethan?"A..Alexandra is that you?Kailan ka dumating,okey kana ba?"Dahan- dahan lang naman,isang tanong lang please mahina ang kalaban."Sorry na excite lang akong nakita ka,kuya why you didn't tell me ha,kanina pa sana ako bumaba."May surprise bang sasabihin ha.Mauna na ako sa loob mag usap lang kayong dalawa.
Alam kong nasasaktan ako dahil mahal ko si Jia at ngayon lang ako nagka ganito sa tanang buhay ko.Pero alang-alang sa kapatid ko magpaparaya ako.
"Hi Erros!"Hello Francine kanina ka pa ba dumating?"Hindi,dito ako natulog,tinawagan ako ni Jia kahapon."Ganun ba,maiwan muna kita kakausapin ko lang sila auntie at tito."Wait Erros,iniiwasan mo ba ako?"Hi..hindi bakit naman kita iiwasan?"Erros alam ko namang umiiwas ka.Huwag mo naman seryosohin yong mga sinasabi ko sa kapatid mo na gasto kita.Sino lang ba naman ako,isang simpleng mamayan na maiinlove sa isang napakayamang tao dito sa bansa.Pero Erros biro ko lang iyon,para hindi mahalata ni Ethan,siya naman talaga ang type ko."Ano?"Akala ko ba.."Akala mo ikaw!"No Erros,si Ethan talaga.Kaso type na type ang bff ko e.Tulungan mo nga ako sa kanya."Wala akong maitulong France kasi sa totoo lang mahal na mahal ni Ethan si Jia."At iyan sana ang ayaw mong mangyari dahil mahal mo din si Jia."Paano mong.."Halata naman sa kilos mo e.Saka napansin ko din kay Jia na masaya siya ngayon,kagabi nga lagi siyang nakangiti.Baka may gustondin s'ya kay Ethan."Mabuti naman,dahil gusto ni auntie at tito na makasal din silang dalawa."Ganun,kasalan agad?"Ganun ba kayong mayayaman?"Ikaw talaga,maiwan muna kita."
"Hay naku ang hirap pala maging mayaman,kahit hindi pa nga mag boyfriend kasalan agad?Kawawa naman si Erros,kakatapos maloko ng ex fiancee ngayon masasaktan na naman ang oppa ko.Denying na nga ako na gusto kita e para kakausapin mo man lang ako.Pero halatang si Jia naman ang gusto mo.
"Dinner is ready guys,sana magustuhan nyo ang hinanda ko ngayon."wow!luto mo lahat ito?"Oo kaya enjoy your meal guys."Si daddy po lahat nagluto niyan,ayaw kaming patulungin ni Francine.""Mukhang marami rami ang makain ko ngayon."Matakaw ka naman talaga,Francine eh."Oh Jia,hindi ako ang nauna ha,alam mo na."Naku,may bangayan nanaman yatang mangyayari ngayon."Oy kayong dalawa 'wag ngayon ha dahil may sasabihin akong importante."Sana mapatawad ako ng anak ko,dahil gumawa ako ng desisyon na hindi niya alam.
Kinakabahan ako sa susunod na sasabihin ni tito Alejandro.Seryoso ang lahat na nakikinig.Magkaharap kami ni Jia at nakatingin lang ako sa kanya.Dahil gusto ko malaman kung ano ang reaksyon niya sa narinig kong usapan ng dalawa kanina.
"Jia anak,gusto ko sanang maikasal ka sa isa sa dalawang lakakeng nandito ngayon.At napag usapan na namin ni tita Anelia mo na si..."Dad bakit hindi ko alam na may plano kang ganito?kaya ba nagpadinner ka with them?"Iha makinig ka muna,hindi ko kasi kayang iwanan ka na mag-isa."Bakit dad saan ka nanaman pupunta?"Iha,i'm sorry hindi ko agad sinabi sayo na..na " May cancer ang daddy mo Jia at malala na ito,may taning na ang buhay niya at palihim siyang nagpapagamot kahit nasa states kayo noon,pero ang sabi ng doctor,matagal na sa kanya ang isang taon."Dad,is that true?Totoo ba ang sinabi ni tita Anelia?"Oo anak,kaya humihingi ako ng pasinsya."Bakit dad,may pera tayo, kaya pa iyan magpapagamot ka.Pupunta tayo ng Amerika,ang lakas mo pa dad oh..Mabubuhay kapa ng matagal.Hindi iyong ipapakasal mo ako para may pag iwanan ka sa akin!Hindi iyan ang solusyon dad!"Jia,makinig ka.Alam kong mahirap sayo ito.Pero i want you to marry Erros Alexander!"Dad?"Alejandro hindi ba nag usap na tayo na si Ethan...ang..."Sorry Anelia,pero alam.....ouch..ouch...!!!"Dad,daddy!!!
Agad naming tinakbo si tito Alejandro sa hospital.Hindi natapos ang dinner namin dahil sa mabilis na pangyayari.Hindi mapakali si Jia sa kakalakad lakad,umiiyak na ito.Si Ethan naman ay nakatulala lang at hindi alam ang gagawin.Si auntie ay umiiyak na din.Tumayo ako para lumabas muna,habang si Francine ay nasa tabi ng bestfriend niya.Hindi ko alam kong matuwa ako o hindi sa nalaman kong gusto ako ipakasal ni tito Alejandro sa anak niya.Gusto ko,gustong gusto ko kaso paano si Ethan.Ayaw kong masaktan muli ang kapatid ko dahil sa akin.Alam ko din na gusto ni Jia ay si Ethan,dahil nakikita ko ito sa mga kilos niya.Hindi ko na alam ang gagawin ko..Susundin ko ba ang puso ko at gusto ng ama nito,kahit alam kong hindi ako gusto ng babaeng mahal ko?