Hindi ako makatulog kakaisip,natatakot akong kasama si Ethan dito sa kwarto.Nakita kong tulog na s'ya at nakatalikod sa akin.Bakit hindi ko nakita noong una na magkamukha lang sila ng totoong Erros pero malaki ang pagkaiba ng katawan nila,height at galaw.Bumangon ako ng dahan-dahan dahil nauuhaw ako.Nang unti-unting gumalaw ito at humarap sa akin.Kailangan hindi ako magpahalata na naghinala ako na hindi siya ang totoong Erros kundi siya si Ethan.Ano na kaya ang nangyari sa asawa ko.Saan kana kaya Erros?kailangan ko siyang hanapin.Sana makakatulong si Phillip. "Alexandra bakit gising ka pa?"Nauuhaw ako,i need water."Ah,sige ikikuha kita huwag ka nang bumangon."Sige,salamat. "Oh ito,uminom ka na.Sa susunod gisingin mo ako ha,hindi yong nagkukusa ka mataas ang hagdan buntis ka pa naman. "

