"Ingat kayo sa byahe,pasinsya na hindi ko na kayo mahatid sa airport.Si dad na bahala sainyo,Ethan si Francine ha."Sus kahit wala ako Jia kaya na niya,talo pa nga ako d'yan parang lalake!"Hoy,Ethan pasalamat ka kaibigan ka ng bestfriend ko kung hindi,naku!"Oh,ayan na naman kayo."Sorry beshy,mauuna na kami.Hiramin muna namin si tito ha,hatid lang kami saglit."Oo na kaya ko na naman mag isa eh."Jia ingat ka din ha,alis na ako kita nalang tayo sa Pilipinas."Sige Ethan,thank you sa inyo.
Nakaalis na ang dalawa kong kaibigan,hinatid sila ni daddy sa airport.Pagkatapos ko mag almusal naglalakad lakad muna ako dito sa hardin namin.Kahit papaano nakarecover na din ako,kahit medyo mabagal pa akong kumilos epekto ng isang taon at isang buwang nakahiga sa kama.Nakakamiss na magtrabaho,pero magreresign na ako pagbalik ko para mapag aralan na ang dapat gagawin ko sa kompanya.Tama si daddy,kailangan ko muna mag aral dito ng business management para handa na ako pagdating ko ng Pilipinas.Naalala ko Erros,kahit matipid siyang ngumiti alam kong masayahin din siyang tao.Magaan din ang loob ko kay Ethan,masaya siyang kasama.Naisipan kong pumasok na sa loob ng bahay upang doon ko nalang hintayin si daddy.Pagkapasok ko ng living room ay tumutunog ang cellohone niya."Si daddy talaga,naiwan na nanaman ang cellphone niya at si Erros ang tumawag agad ko itong sinagot.
"Hello!Erros?"Hi,Jia nakaalis na ba sila Ethan d'yan?"Oo kanina pa baka nga pabalik na din si daddy dito,hinatid sila sa airport."Ha,sino kasama mo d'yan?Bakit iniwan ka mag-isa?"Okey na ako,nakakalakaf na nga ako mag-isa e.Hindi naman magtatagal ang daddy doon,babalik din s'ya agad."Ganun ba,be careful Jia,mag ingat palagi."Opo,ikaw talaga hindi na ako bata."Oh sige babye na at magtatrabaho na ako."Bye Erros.
"Jia anak nandito na ako,may dala ako para sayo."Daddy nandito ako sa kusina!"Anak anong ginagawa mo d'yan?"Nagluluto na ng lunch natin,tumawag pala si Erros ikaw talaga dad lagi mo nalang iniiwan 'yang cellphone mo."Nakakalimutan ko iha,alam mo na tumatanda na ang daddy."Ano 'yang niluluto mo ang bango ah."Menudo,mabuti puno ang ref.at madaming pagpili-an na ulam."Oo para marami tayong stocks,naku anak sira na yata ito,nakalimutan ko!"Anu 'yan?"Ensaymada pasalubong pa ito ni Erros sa'yo haling Pilipinas."Whoa!that's my favorite dad,galing din 'yan sa paborito kung bakeshop.Bakit hindi nyo nankinain sayang naman.One dozen pa ito ah.."Kinain ko na ang tatlo d'yan,15 piraso lahat iyan."Sayang naman dad.Di bale anak pag - uwe natin bilhan kita ng isang truck niyan."Isang truck talaga,baka gusto mo dad bilhin nalang ang isang bakeshop!"Pwede rin,para sa mahal kong prinsesa."Mahal din kita daddy kaya please huwag mo pabayaan ang sarili mo,lalo na't nag promise ako kay mom na aalagaan kita."Kaya ko pa naman sarili ko anak,ang isipin mo maging malakas na malakas kana dahil ang dami pa nating gawing mag ama."Yes dad.."Sige pasok muna ako sa kwarto ko ha,may aasikasuhin lang.
Mabilis ang araw dalawang taon na din ang nakalipas.Makatapos na din ako sa dalawang taon kong kurso na business management dito sa Amerika.Tuwang tuwa naman si daddy dahil next month ay babalik na kami sa Pilipinas.Namiss ko na din ang Pilipinas.Kumusta na kaya sila mang Jordan?Pinupuntahan pa kaya sila ni Erros?
"Jia bilisan mo na anak,baka ma late pa tayo sa flight natin."Opo dad,inayos ko lang ang mga gamit ko dito sa kwarto at pinagtatakpan ang kama't sofa.Matagal nanaman magkatao dito."Every year tayo uuwe dito anak para makapagbakasyon,kaya okey lang iyan."Tapos na po,daddy talaga excited siguro may gusto kanag makita sa Pilipinas noh!"Hay,naku bata ka.Sino naman?"I know dad,basta pag ready kana pwede mo naman sabihin sa akin.Hindi naman ako tutol e."Sus Anak,lets go na."Bakit pala dad hindi mo sinabi sa kanila na ngayon ang uwe natin?"Syempre para i surprise sila.Saka anak hindi sa mansyon ang uwe natin ha,nakabili ako ng bahay sa Makati doon na tayo dederetso.Ok na din 'yon dad saka parang ayaw ko na din umuwe sa mansyon e,dahil ang daming alaala na hindi maganda."Iyon nga e,di bale bahay lang itong nabili ko pero maganda din anak.Saka may buyer na tayo sa mansyon.Si mr.Kang kasosyo nila Erros sa negosyo."Ganun po ba?Kakalungkot din dad noh,kasi iyong mansyon na iyon doon ako pinanganak.Kaso doon din maraming masasamang nangyayari sa buhay natin."Kalimutan nalang natin ang lahat anak at gagawa nalang tayo ulit ng magandang alaala sa bago nating tahanan.
Nakarating kami ni daddy sa bago naming bahay,kumpleto na din ito sa kagamitan.Up and down ito na may apat na kwarto sa taas, ang isa ay guest room,ang isa ay kwarto ko ang isa naman para sa library room at magiging office na din,ang isa ay mabakante dahil may guest room na at may terrace na pwedeng tambayan.May dalawang kwarto sa baba para sa kasambahay ang isa.Ang isa naman ay kay daddy para daw hindi na siya paakyat akyat dahil malapit na tumanda.
"Dad bakit ang laki naman yata ng bahay,dadalawa lang naman tayo."Anong dalawa ka d'yan?sa ngayon oo,paano pag nag asawa kana?"Daddy talaga wala ngang boyfriend paano magka asawa."Jia maganda na yong napaghandaan gusto ko pagdating ng araw na iyon,dito parin kayo titira.Kaya nga malaking bahay na ang binili ko."Bahala ka nga dad,lagi mong pinaghahandaan malabo pa namang mangyari iyon.Kung ako lang ayaw ko na mag-asawa.Aalagaan nalang kita habang buhay."Naku ang anak ko,Jia gusto ko din makita ang apo ko noh!"Oo dad bibigyan kita ang problema ko asawa."Anak alam kong may guato sayo si Ethan kaya makapag asawa ka.Mabait naman ang binatang iyon e."Si Ethan talaga dad?"Bakit may iba pa ba?Hindi mo ba siya gusto?"Daddy talaga,magpahinga na muna ako dad,medyo sumasakit ulo ko."Sige anak at magpahinga na din ako.
"Sir Erros ito na po ang mga kailangan mong documento."Pakilapag nalang sa table ko,salamat.
Kakatapos ko maglunch at pupunta na ako sa J.A cosmetics dahil may meeting kami ng mga managers at supervisor doon.Dahil sa maraming orders na gagawin.Sa araw-araw na rotation ko ay nasanay na din ako,umaga dito sa Hotel at sa hapon sa J.A cosmetics.Si Ethan naman ay umattend ng meeting kasama si mr.Kang.
Pagkarating ko ay dumiretso muna ako sa production para mag-ikot.Dahil everyday ko na ito ginagawa to make sure na nagtatrabaho ng maayos ang mga empleyado.Mr.sungit na nga ang tawag ng iba sa akin dahil sa pamamalakad kong oras ng trabaho ay trabaho.Dahil may break naman na pwede magdaldalan.
"Nandito na ba si Diana?"Sir nasa manager's office po."Pakisabi nalang about sa meeting mamaya Rhain."Ok po sir.
"Daddy naman kasi,bakit hindi na sumabay sa akin papuntang J.A cosmetics,may dadaanan pa daw siyang importante.Sakay ng kotse ko ay bibisitahin daw namin ni dad ang companya.Ang tagal ko nang hindi nakapunta dito,imagine 16 years ngayon lang ulit ako aapak dito?Naturuan naman na ako ni daddy sa mga dapat gagawin ko kaya alam ko na mamahala dito.
"Hi maam good afternoon, may appointment ka po?"Wala miss e,pero nandyan ba sa loob si mr.Erros Sandoval?"Yes maam may meeting po sila ngayon..
Bago siguro itong guard na ito,hindi ako kilala.Ang daming bagong mukha.Ilang taon pa pa lang naman ako noon ng dinala ako ni mommy dito.Puro laro lang ang ginagawa ko noong nandito ako.Bawat tao na dumadaan ay tinitingnan ako.
"Sino siya?ang ganda naman ng babaeng iyon,she's a goddess.Pero mas maganda aprin ako doon noh!"Breanna kakaiba talaga 'yang bunganga mo.Pag ikaw marinig .
Tumawa nalang ako sa narinig ko sa baklang empleyado.."Maam pasok nalang po kayo sa lounge but i need your id.Doon nalang kayo maghintay kay sir Erros.Pwede din po kayo magtanong dyan sa loob kung anong oras sila matapos,nandyan ang secretary niya kagagaling lang maglunch."Here's my id,salamat."
Agad namang tiningnan ng gwardiya ang id ko at bigla itong napatingin sa akin."Maam Jia Alexandra,sorry po,hi...hindi ko kayo nakilala.Maam bago lang po kasi ako dito."No,miss it's ok tama lang ang ginawa mo sa mga taong hindi mo kilala."Maam id nyo po.."Salamat.
"Laida sino yon?"Yong may ari nitong kompanya."Ha?si maam Jia ba iyon?"Oo akala ko mapagalitan ako."Mukhang hindi naman marunong magalit iyon,siya pala yon ang ganda n'ya."Oo lalo na pagkaharap mo.Oo nga kahawig niya yong bata sa picture frame sa lounge.Bakit hindi kk kaagad naisip iyon."Yes nakita na din natin ang may ari ng kompanyang ito.
Natawa ako sa babaeng guard kanina talagang napakaserykso niya at nagulat pa ng makita ang id ko,pinagtitinginan ako ng mga empleyado.Ngayon lang ata sila nakakita na may pumasok na ibang babae dito.Papunta ako sa conference room kung saan nandoon si Erros.
"Maam Jia,ikaw ba iyan?Maam ikaw nga...Maam si Luisa po ito."Hello po,opo natandaan po kita kumusta na kayo?"Maam ok naman po,masaya ako na nandito kana at magaling kana po."Tandang tanda ko pa dala ka ni maam Alexa dito 10 years old ka palang."Oo nga po e,hindi pa tapos ang meeting?"Ddon ang punta ko maam,sabay kana po.May kinuha lang ako sa production,."Mabuti at nandito ka parin."Oo namna noh,hindi ko maiwan ang kompanya dahil napamahal na din sa akin ito.Close din naman kami ng mommy mo."Ang tagal nyo na po palang empleyado dito,anu na posisyon nyo ngayon?"Manager na ako dito mam,ang daddy nyo po nagpromote sa akin.2 years na din akong manager."Mabuti naman po,mauna na kayo sa loob baka makaistorbo pa ako.Mamaya maya papasok na din ako."Sige maam.
Medyo nahihiya akong magpakita sa loob,pero kailangan para makilala na din ako ng lahat.Anu kaya kong hintayin ko nalang si daddy.Ah bahala na,kailangang umattend ng meeting para alam ko na din ang pinag usapan.
Nasa kalagitnaan kami ng meeting ng bumukas ang pinto,ang ayaw ko pa naman sa lahat ang maisyorbo ako lalo na't ang dami ko lang asikasuhin.Nagsasalita ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang pinakamagandang babae sa buong mundo.Hindi ako nakapagsalita agad pati ang mga nasa harap ko ay nakatingin lang sa bagong pasok.Nag iba sa kanila ay nag ingay dahil kilala siya at ang iba nakatulala lang..