Chapter 10

1172 Words
Nagising ako ng maaga sobrang sakit ng ulo ko,naalala ko ang panloloko na ginawa ni Yvone at Billy.Tiningnan ko ang cellphone ko ang daming mensahe nagmula kay Yvone.Sakto namang tumatawag si auntie. "Where are you Erros,Yvone is here!She's crying,anu nanaman ba ang problema ninyo? "Auntie please paalisin mo na ang babaeng 'yan d'yan. "Kung ano man ang problema ninyo,pag usapan ninyo.2 months nalang kasal nyo na,ngayon pa kayo nag aaway? "Auntie hindi mo pa alam ang nangyari,please masakit ang ulo ko mamaya ko na ipaliwanag sa'yo.Paalisin mo muna ang manlolokong babaeng 'yan. "Kuya gising kana ba? "Yeah,bakit? "Aalis muna ako,kitain ko lang si Alexandra nakakamiss e . "Sino namang Alexandra iyan,ang aga-aga manliligaw ka, talo mo pa ang intsik. "Kuya i congrats mo nalang ako pag maging girlfriend ko ito. "Bahala ka,punta ka mamaya sa mansyon may dinner tayo.Kakatawag ni auntie. "Okay kuya pupunta ako,kumain kana lang nagluto ako ng soup para sa hang over mo. "Ok salamat. Pagkaalis ng kapatid ko ay lumabas ako ng kwarto para mag almusal.Mabubti nalang at marunong na itong magluto dahil siguro maagang namuhay mag-isa.Naalala ko si Jia,pupunta ako mamaya sa condo niya.Kailangan ko siyang makausap,pero baka i pagtabuyan lang din naman niya ako.Saka nalang siguro pag okay na ang lahat sa kanya. "Yvone iha,bumalik kana lang mamaya dito,kung ano man ang problema ninyo ng pamangkin ko pag usapan n'yo nalang mamaya.Yayain mo ang magulang mo may family dinner kami at kasama kayo dahil hindi na kayo iba sa amin.May bisita din ako mamayang gabi,ipakilala ko s'ya sainyo. "Ok po auntie,uuwe nalang po muna ako. "Mag-ingat ka iha. "Hello nandito pa si Jia Alexandra? "Sino po kayo sir? "Pakisabi si Ethan kaibigan n'ya. "Itatawag ko muna sa taas sir ha,hindi ko kasi napansin na dumaan si maam Jia. "Sige salamat. "Sir nakaleave daw po ng 2 weeks si maam Jia may inaasikaso daw po. "Ganun ba,alam nyo po ba ang adress niya miss? "Naku sir hindi po kami nagbibigay ng info sa mga tinutuluyan ng mga nagtatrabaho dito e. "Ganun ba sige salamat. Alexandra,Alexandra bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko sa'yo.May pinag usapan tayong kakain sa labas.Hindi kaya may asawa na si Alexandra?Bakit hindi ko 'yon natanong sa guard kanina.Wala pa naman siguro kasi mukhang dalagang dalaga pa naman s'ya.Malas mo sa babae Ethan kung mayroon na.Ngayon nagkalabu -an nanaman si Kuya at Yvone ang hirap ng ganoong sitwasyon,masakit siguro talaga kay kuya lalo na't kitang kita niya ng harap harapan ang ginawa ng babae sa kanya. "Lahat po dito manong Jordan pwede ninyong gamitin,parating na din po ang nurse na mag asikaso sa inyong anak.Ang doktor naman po 3 times a week siyang bibisita dito. "Salamat Jia,napakabuti mo sa kabila ng nagawa ko. "Huwag nyo na pong isipin 'yon,utang ko din ang buhay ko sainyo nang pinakawalan ninyo ako.Ang ganda naman ng anak ninyo.Ano po pangalan nya? "Jina ang pangalan n'ya,labing isang taon na s'ya namatay ang asawa ko nang ipinanganak siya,mula noon ako na ang tumayo bilang ama at ina niya.Hindi ko nga alam na magkasakit siya ng ganyan wala naman sa lahi namin. "Hayaan nyo po,gagaling si Jina,tutulungan ko po kayo. "Salamat Jia,saan ang punta mo nyan? "Hahanapin ko si daddy,mag dedisguise nalang ako para hindi ako makilala ni Jackson. "Wala pa ako maitulong sa'yo. "Bantayan nyo nalang po muna si Jina,mas ok po kung nasa tabi nya kayo.Saka para hindi kayo mahanap ng pinsan ninyo,mahirap na po.Safe kayo dito,walang may nakaalam na dito ako nakatira maliban sa kaibigan kong si Francine.Manong may pera po sa cabinet na 'yan,may 100,000 dyan gamitin nyo nalang po pag may bibilhing gamot kay Jina. "Salamat Jia ha,napakabuti mo. "Okay lang po,aalis na po ako manong. Papunta na akong mansyon para sa family dinner namin,Alam kong naghihintay na si auntie sa akin.Andoon na din daw si Ethan,sino kaya ang ipakilala ni auntie sa amin?Hindi ko pa mapupuntahan si Jia,kumusta na kaya siya? "Erros saan kana iho? "Malapit na po auntie,bibili lang ako ng cake. "Bilisan mo na at naghihintay na kaming lahat dito. "Sige po. "Alejandro pakihintay mo lang si Erros,saka malaki ang maitulong niya sa problema mo. "Salamat Anelia,nag- alangan nga akong magpakita dito ngayon,pero hinahanap ko pa ang anak ko. "Safe ka naman dito,saka nandito naman ako. "Hindi ba nakakahiya sa mga pamangkin mo kung hihinge ako ng tulong sa kanila para mahanap ang anak ko? "Mababait ang dalawang pamangkin ko,lalo na si Erros. "Excuse me lang po auntie,mas mabait naman ako kay kuya noh. "Salamat sainyo,E.. "Ethan po.At sila ang family ng fiancee ni kuya kaso wala pa ang babae e,baka magsabay na ang dalawang iyon. "Sa palagay mo Ethan magkaayos pa ang dalawa? "Malabo po auntie,lalo na..basta si kuya na ang magkwento sainyo mamaya. "Ano ba kasi ang pinag awayan nilang dalawa bakit parang humantong pa sa hiwalayan. "Anelia pasinsya kana kung anu man ang nagawa ng anak namin,ang alam lang naman si Yvone ay mahilig maglakwatsa,pumunta kung saan saang lugar. "Nandito na po kami. "Yvone iha bakit kasama mo si Billy? "May sasabihin po ako sainyo,aaminin ko na po bakit kami nag a.. "Bakit nandito sila? "Erros iho,umupo ka muna.Bakit umiinit agad ang ulo mo? ."Bakit invited sila auntie,family dinner lang natin ito! "Yvone iha magpaliwanag ka bakit kasama mo si Billy? "Mom,dad sorry may nangyari kasi sa amin ni Billy at nakita 'yon ni Erros.Wala nang kasalan na mangyayari. "Ano?Yvone nababaliw kana ba? "Dad!!nangyari na ang nangyari ako ang may kasalanan!Inaamin ko na,saka talagang baka hindi kami para sa isa't isa ni Erros.Maiwan ko na kayo!Billy,let's go! "Sir,maam sorry!Yvone nagsaslita pa ako...Ano ba sandali! "Bahala ka d'yan,sumunod ka nalang sa akin! "Yvone bumalik ka dito!Yvone! "Hayaan na muna natin s'ya Leandro.. "Hayaan?shiela hindi pwede ang ganito,nakakahiya kina Anelia. "Leandro baka sa susunod nalang tayo mag-usap masyado na magulo ngayon. "Erros,pagpasinsyahan mo na ang anak ko. "Tito,hindi pa ako makapag- isip ngayon.Pasinsya na din po. "At ikaw Billy bakit nandito kapa?"Hihinge din po ako ng paumanhin sa nangyari,mahal ko po si Yvone tito,tita handa ko pong pakasalan s'ya. Mauuna na po ako,Erros sorry! Tanging tango lang ang naisagot ko kay Billy at napatingin ako sa katabing lalaki ni auntie Anelia.Nakikita ko ang pagkahawig nito kay Jia.Pero baka nagkataon lang.Agad kong tinanong si Auntie kung sino siya. "Siya si Alejandro Gonzalez iho,hinahanap niya nag kanyang anak pero hindi siya makakalabas dahil tinatarget siya ngayon ng taong pumatay sa kanya. "H-Hindi ko po kayo maintindihan.. "May nagtatangka sa buhay ko iho noon pa man,pinatay na n'ya ako.Ang swerte ko lang na nabigyan pa ako ng pangalawang buhay.At si Anelia ang tumulong sa akin,siya din ang nagtatago sa akin ngayon para hindi mahanap ni Jackson. "Oo tama si Jackson,kakambal nyo po ba s'ya? "Hindi iho,nagpa- plastic surgery siya para magaya ang mukha ko at magpanggap na ako sa pamilya ko.May isa akong anak at paniguradong nasa panganib din ang buhay niya ngayon.Kaya nandito ako para humingi ng tulong sainyo ng kapatid mo. Nag isip ako kung tutulungan ko ba ang taong ito,gayong hindi ko naman sila kaanu-ano.Ngayon pa na may problema din akong hinaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD