Nang makatulog na si Ethan ay lumabas ako para uminom ng tubig,tahimik na ang lahat.Malaki ang bahay nila tito Alejandro dito sa New york.Pagkatapos ko uminom ng tubig ay papasok na sana ako sa kwarto namin ni Ethan ng mapatingin ako sa kwarto ni Jia.Sinilip ko kung nandoon si tito Alejandro.Wala siya kaya pumasok ako.Hindi ko nakausap si Jia kanina dahil nandito si Ethan halos ayaw umalis sa tabi niya.Inayos ko ang kumot ni Jia,hindi ko mapigilang maiyak dahil sa kalagayan niya.Naisip ko maswerte parin siya dahil ang daming nagmamahal sa kan'ya.Umupo ako saglit at tinitigan ko ang mukha n'ya.
"Jia gumising kana,Hindi pa natin natapos ang pamamasyal sa Bagiuo,alam mo kung lagi kang nakahiga d'yan magtatampo na kaming lahat sa'yo.Ang dami kong gusto ikwento sa'yo.Binilhan pa naman kita ng cake at ensaymada doon sa paborito nating bakeshop.Kaya gumising kana please!Ang dami kong gustong sabihin sa'yo.'Yong una nating pagkikita,muntikan na kita mabangga pangalawa sa bakeshop na nalibre mo ang ibibigay ko sana kay Yvone,ang pangatlo sa exhibit at ang pang apat sa bakeshop ulit ng pumunta tayong Bagiuo.May panglima pa pala yong huling araw na nagkausap tayo at pinagtabuyan mo ako dahil ayaw mo akong madamay sa kung ano ang tinutukoy mo noon.'yon pala dahil ilayo mo ako sa salbaheng mamatay taong mr.Jackson na 'yon.Mas iniisip mo pa ang kaligtasan ng iba kaysa sarili mo.Tapos si mang Jordan pa tinulungan mo ang mag- amang 'yon.Nag-alala din sila sa'yo.'Wag kang mag alala sa kanila maayos sila doon sa condo mo,kwenento ko na din kung ano ang nangyari sayo.About naman sa amin ni Yvone wala na kami..Dahil niloko n'ya ako.Alam mo wala akong na pagkwentuhan kung anu talaga ang naramdaman ko.Dahil ayaw ko na ng maraming salita.Hindi nila alam na ayaw ko lang ipakita ang totoo kung naramdaman dahil ayaw kong kaawaan ako.Bawat tao ay may kanya kanyang inaatupag.Ayaw ko nang pati ako ay iisipin nila,gaya na lamang nang pagiging sunod sunuran kovsa auntie ko dati man.Oo nalang ako para wala nang gulo,pero hindi nila naisip na nasasaktan ako.Goodnight na,matutulog na din ako.
Pagkatapos kong kausapin si Jia ay hinalikan ko siya sa noo.At umalis na palabas ng kwarto niya,sakto naman ang pagpasok ni tito Alejandro.
"Nandito ka pala Erros."Opo tito sinilip ko lang si Jia dahil wala ka pala dito."Salamat sa pagtingin sa kanya.Tinawagan ko lang ang abogado ko,iho salamat ha at hindi mo pinabayaan ang kompanya ni Jia."Ok lang po 'yon tito,saka kailangan nyo po ng pansamantalang namamahala muna doon.Kaya lang naman ang trabaho at mababait ang mga empleyado ninyo."Salamat iho,ano kasi inaayos na ng abogado ko ang pagbenta ng kompanya ni Jia."Ho?tito bakit?"Mas kailangan namin ng malaking halaga para sa medication niya."Pero tito hindi ba,sa ina ni Jia 'yon at alam ko mahalaga sa kanya ang kompanya na 'yon dahil maraming umaasa doon,paano kung pagising niya hahanapin niya at..."Erros hindi naman ang sa Pilipinas ang ibebenta ko.'Yong nasa France dahil hindi ko na maasikaso ng maayos doon.Tingnan mo nga ni hindi ko maiwanan si Jia,kaya ibenta ko na nalang doon."Hay salamat akala ko ang sa Pilipinas tito."Hindi ko gagalawin yong sa anak ko,ang sa France kasi amin yon ng asawa ko at sa akin niya iniwan 'yon tag isa kami ni Jia."Tito kung need nyo po ng pera mayron naman ako,pwede kayong lumapit sa akin."No iho mayron pa naman,gusto ko lang bitiwan na ang sa France dahil hindi ko na nga naasikaso.Naku! baka narinig na ni Jia ang pinag-usapan natin,magtatampo itong unica iha ko.Matulog kana Erros,para makapagpahinga ka na."Sige po tito,goodnight po.
"Jia anak,sige na bumalik kana sa daddy mo.Lagi mong iisipin na wala kang kasalanan sa nangyari sa akin."Mommy namiss lang kita,ayaw ko nang umalis sa tabi mo dito nalang ako sayo."Iha alam kong matagal na hindi mo ako nakausap.Ang dami mo pang misyon sa mundo ang daming taong umaasa sa'yo.Basta ito lang ang sasabihin ko,huwag kang magsawang tumulong dahil mas nakakaangat ka at sundin mo ang puso mo para maging masaya ka.I love you anak,maging masaya na ang mommy dahil nakausap na kita."Mom,mommy!!
Anong nangyari sa akin?bakit hindi ako makagalaw?Dad,daddy!Nakita ko ang katawan ko sa kama na tulog na tulog.Patay na ba ako?Bakit pinipilit ako ni mommy na bumalik na ngunit hindi ako makabalik sa sarili kong katawan?Hindi..hindi maaari ito,magtatampo ang mommy kung hindi ko siya sinunod kailangan kong makabalik sa katawan ko......
"Jia?"tito gising...gising po kayo."Erros?"Binabangungot po kayo,mabuti at pumasok ako para dalhan kayo ng kape."U...umaga na pla.Si Jia saan siya?"Tulog parin po siya at gisingin ko na din sana."Napanaginipan ko siyang nagpapaalam na.Magkasama na daw sila ng mommy niya."Naku tito hindi po totoo 'yan,lumalaban parin siya dahil gusto na niyang magising pero hindi pa mamulat ang mga mata niya."Sana iho magising na ang anak ko,miss na miss ko na s'ya.."Magbreakfast na po muna kayo,nandoon na din sila Ethan at Francine,may kasama ka nang kumain ngayon ang daya kasi ni Jia ayaw pa tayong kasabay kumain."Sana nga magising na s'ya iho.Mauna kana sa labas,susunod na rin ako."Sige po.
"Jia anak,bumalik kana alam kong kasama mo ang mommy mo ngayon.Sabihin mo sa kanya nanihatid kana sa akin.Sobrang miss na miss na kita anak.Ang tagal na panahon na hindi tayo nagkausap tapos ngayon tutulugan mo lang ako?Sige ka,magtatampo na ang daddy sayo.Magbibirthday ka na bukas dalawampu't anim ka na.Naku,ang bilis ng araw maghahanda tayo bukas sa kaarawan mo dahil marami kang bisita.Nandito ang mga taong totoong nagmamahal sayo.Kita mo kahit malayo ka pinuntahan ka parin nila.Dahil mahal na mahal ka nila anak,si Ethan naku! parang ayaw umalis sa tabi mo.Lalo na si Erros,ang swerte mo anak na may mga kaibigan kang alang-alala sayo.Siya maiwan muna kita ha,kakain lang ang daddy,bawal kasi kumain dito e.
Nagulat ako ng makita kong may luha sa mga mata ni Jia kaya agad ko siyang niyakap dahil nagrerespond na ulit siya.Tinawag ko sila Erros,Ethan at Francine na agad namang pumasok sa kwarto niya.
"Oo nga tito lumuluha s'ya,hindi kaya nahirapan na siya sa kalagayan niya?"Francine anong ibig mong sabihin?"Ganun daw po kasi tito pag nahihirapan na naluluha nalang bigla.Kaya Jia gising kana ang hirap ng kalagayan mo ngayon,sige ka kung hindi ka gigising d'yan itong mga gwapo mong kaibigan ay kukunin ko na sayo pati ang daddy mo aagawin ko na din para wala ng matira sa'yo."Alexandra si Ethan ito gising ka na please para masaya bukas sa birthday mo.First time namin na aatend ng birthday mo ha,tapos ikaw matutulog lang."Oo nga Jia,para masaya at nagkasama ang tatlong Alex..."Oo nga kuya noh,puro Alex tayo hindi kaya nawawalang kapatid natin siya?"Oy,hindi ha anak ko si Jia nagkataon lang na Alwxandra pinangalan ko sa kanya dahil Si Alexa ang mommy niya at ako Alejandro."Oo nga naman kasi si daddy namin si Alexandro e.Hmmp,ganun ba talaga 'yan tito kailangan ang pangalan ay connected sa magulang?Ibig sabihin hindi ako anak nila mom ko at dad ko dahil Francine ako?si daddy Ruel ang pangalan,si mommy naman Annabelle."Wala naman yang connect iha,kung ano ang gusto ng magulang na ipangalan sa anak dahil gusto nila.Lahat ng pangalan ay may kahulugan para sa magulang.Tara na nga at mag almusal na tayo.Hayaan na muna natin si Jia na matulog.
Lumabas na kami ng kwarto ni Jia,happy ako dahil positibo na gagaling siya ang pagluha niya ay senyales na gigising na s'ya.