Nagbuntonghininga na lamang ako habang nakatingin kay Governor Jaxon. Kitang-kita ko ang galit sa mukha nito. Mayamaya pa’y tuluyan nitong ipinikit ang mga mata at talagang ayaw na niya akong nakita pa rito. Laylay ang balikat na umalis na lamang ako rito. Aaminin kong medyo nasaktan ako. Pero ganoon talaga ang buhay at kailangan tanggapin ang katutuhanan. . . Nang may dumaang taxi ay agad akong sumakay at nagpahatid sa Dos Yanara. Doon ako tumuloy. Kailangan ko kasing pag-aralan ang kasong hawak ko lalo na sa Tres Yanara. Pagdating sa bahay ng aking ama ay pabagsak akong nahiga sa kama. Mataman akong tumingin sa bintana ng kwarto ko. Panay ang buntonghininga ko at para bang pasa ko ang buong mundo. Mayamaya pa’y narinig kong nag-ingay ang cellphone ko. Nakita kong si boss Zach ang caller

