Agad kong ini-lock ang pinto. Dahan-dahan din ako napaupo sa sahig. Para akong bangag ngayon. Parang gusto ko tuloy lagyan ng busal ang aking bibig. Hindi na ako iinom kapag si Jaxon ang kaharap ko. Ilang magkakasunod na buntonghininga ang aking ginawa. Agad akong lumapit sa harap ng malaking salamin upang tingnan ang aking sarili. Agad kong kinuha ang aking lipstick upang magpahid sa aking labi. Inilugay ko lang and aking buhok lalo at basa pa ito. Ipapasyal ko lang naman si Jovan kaya simple pang ang aking suot. Agad kong kinuha ang aking sling bag. Pagkatapos ay dali-dali na akong lumabas ng kwarto ko. Agad akong pumunta sa kwarto ni Jovan at nakita kong bihis na ito at si ate Catery. Kailangan ko talagang isama si ate Catery. Napatingin naman ako sa pinto nang bumukas ‘yon at pumas

