Nasundan ko na lang nang tingin ang babae na ngayon ay malungkot na tumalikod para ayosin ang aking mga order. Talagang gigil na gigil ako kay Pinker. Walang kaalam-alaam si Governor Jaxon na may lugar rito sa Sta. Yanara na naghihirap dahil sa mga sakim na negosyante. Madam Pinker! Mukhang mas matindi ka pa sa mga kasama mong nahuli ko. Ang tindi ng kademonyuhan ng hayop na ‘yon. Naku naman! Humanda talaga ito sa akin. Ngunit bago ito makulong, titiyakin kong ma-stress ito sa mga gagawin ko sa kanya. Ibabalik ko sa mga tao rito sa Baryo Yanara ang mga kinuha sa kanila. Mayamaya pa’y dumating na ang order ko. Tumingin ako sa kanin na halos tatlong sandok ng kutsara ang dami. Isang pirasong karne. Tumingin ako sa gulay na kalabasa. Medyo marami-rami naman ang gulay na inorder ko. Mukh

