Hindi ka agad ako nakapagsalita sa tanong nito sa akin na kung magkano ang kailangan ko para iwan si Bederto. “Mr. Governor, alam mo bang mahal akong mag-presyo, baka hindi mo kayanin, ano bang ikinagagalit mo, huh? Eh, magkaibigan lamang kami ni Bederto? Hmmm! Maliban na lang kung may gusto ka sa isang katulad ko kaya pinalalayo mo ako kay Bederto,” walang prenong tanong ko sa lalaki. Kitang-kita ko na lalong nagsalubong ang kilay nito at talagang dumilim ang tabas ng pagmumukha nito. Hanggang sa bigla nitong hawakan ang aking pulsuhan at kitang-kita ko ang panggigigil ng lalaki sa akin. “Hindi ako pumapatol sa katulad mong transgender. Babae ang kailangan ko at hindi lalaking katulad mo—” Sabay bitawan ng marahas sa akin. Ngunit may sa demonyo ang utak ko. Tutal naman ay galit ito

