(MADAM PINKER) PABAGSAK akong naupo sa office chair ko. Mariin ko ring ikinuyom ang aking mga kamao. Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na may dalawang babae ang hindi ko nakuha. Sayang talaga ang mga babaeng 'yon. Saka wala akong pakialam kung sinong mataas na tao ang may hawak sa kanila. Dahil oras na mapunta na ito sa aking mga kamay ay hindi na nila mahahanap pa ang mga babae. Hanggang sa bigla kong nahampas ang ibabaw ng table sa nasa aking harapan. Hindi ko alam kung sinong grupo ang kumuha sa mga buntis at mga sanggol na ‘yon. Milyon ang kikitain ko sana lalo na sa mga sanggol na ‘yon, tapos sa isang iglap ay biglang naglaho na parang bula. Marahas tuloy akong napahinga ng malalim. . . Mariin ko ring ipinikit ang aking mga mata. Maraming mga kasamahan ko sa grupo ang na nawaw

