May pinto naman dito sa likod ng hospital. Ang sabi ni Ma'am Victoria ay bukas ito, binuksan na raw niya ito para rito kami lumabas ni Mama oras ng makagipitan. Agad kong itinutak ang wheelchair. Ngunit mabilis kaming nagtago sa dilim nang makita namin ang mga tauhan ni Vecal at kasama ang babaeng demonyo. “Ma'am Vecal, ano’ng gagawin natin sa bangkay ng pinsan mo?” narinig kong tanong ng lalaking armado. Malapit lamang sila rito sa pwesto namin na kung saan kami nagtatago ni Mama. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Mama sa aking kamay. “Ipasok ninyo sa hotel at tiyakin ninyo na walang makakakita sa pagpasok ninyo sa kanya sa hotel. Pagkatapos ay maghanap kayo ng lalaking may itsura patayin din ninyo.. Ipagtabi ninyo sa kama habang buo’t buhad. Titiyakin kong kakasuklaman ni

