Walang katunog-tunog na lumapat ang bala ng baril ko sa katawan ng lalaking nagbukas ng zipper ng champing tent. Kitang-kita kong bumagsak ang katawan nitong duguan sa lupa. Napatingin naman ako sa aking baril na isang silencer gun. Bigla tuloy akong napangisi. Ang galing ko talagang bumaril walang mintis. Muli akong tumingin sa mga bata. “Dito lang kayo, huwag kayong aalis dito. May haharapin lamang ako," anas ko sa kanila. Hindi ko mapapalampas ang mga nangyari sa mga bata, lalo na sa batang babae na nabuntis dahil ginahasa. Parang nanginginig ang aking katawan sa galit. Hayop sila. Nang makalabas ng tent ay nakita kong nakikipaglaban na si Aguda. Tumingin ako sa mga batang nasa loob ng tent at sinabi kong isara nila ang tent. Dali-dali naman silang sumunod sa akin. Hanggang sa hum

