(SUZI’S POV) Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ng lalaki. Hanggang sa kuhanin nito ang cellphone. Marinig kong may tinawagan ito. Mayamaya pa’y pumasok na nga si ate Catery rito sa loob ng kwarto ni Jovan. “Turuan mo ang babaeng ‘yan na maglagay ng diaper sa anak niya!” masungit na sabi ng lalaki. Agad akong nilampasan lamang nito, ngunit nang muling tumingin sa akin ay naroon sa mukha nito ang pagbabanta na hindi ko alam kung bakit. Narinig ko pa nga ang malakas na pagbagsak nito ng pinto. Nagkatinginan tuloy kami ni ate Catery. Dahil sa kasungitan ng lalaki. Agad na lang inasikaso ni ate Catery si baby Shea para lagyan ng diaper. Hindi ko na nga tingnan kung papaano ilagay. Si Manang Makayla naman ang bahala rito kapag nasa bahay kami. Agad na bumaba ng kama si Shea para lumapit ka

