Mabilis akong lumusot papasok sa bintanang nabasag. Halos magmura ako nang sumabit ang aking braso sa maliit na bubog na naiwan sa bintana. Nang tingnan ko ito ay kitang-kita ko ang pag-agos ng dugo. Hindi ko na lang ito pinansin. Kailangan kong mailabas dito ang mga bata. Dali-dali akong lumapit sa kama. Agad kong kinuha ang mga kumot at isa-isa ko itong pinagbubuhol. Muli akong bumalik sa bintana. Inalis ko muna ang mga maliliit na bubog sa gilid ng bintana upang hindi masugatan ang mga bata. Hanggang sa kuhanin ko ang kumot at itali ko sa malaking bakal na aking makita. Tiniyak kong matibay ang pagkakatali ko ng kumot upang hindi mahulog ang mga bata. “Bilisan ninyo, bumababa na kayo! Humawak kayo ng mahigpit—” utos ko sa mga bata. Sinabi kong isa-isa lang ang pagbaba sa kumot. “Ate,

