Malakas naman akong tumawa, habang sinusundan ng tingin ang mga lalaking papasok sa loob ng van. Ngunit ibinato ko pa rin sa kanila ang hawak kong granada. Kitang-kita ang pagliyab ng isang van. Napansin kong galit na galit sa akin ng mga armadong lalaki. . . Pero Hanggang galit lamang sila sapagkat hindi sila makalabas ng van dahil may hawak ako ulit na granada. Nagmamadali silang umalis dito. “Mga duwag pala ang mga tauhan ni Madam Porsa!” bulalas ko pa habang nakangisi. Agad na rin akong umalis dito. Kailangan ko munang umuwi sa bahay. Init na init na rin ang buong katawan ko. Pagdating sa bahay na inuupahan ko ay agad akong pumasok sa loob ng kwarto. Sa banyo ako unang pumunta, ngunit bigla akong naasar kasi walang tubig. Dali-dali tuloy akong lumabas ng bahay upang alam kina Harere

