Pagdating sa bahay, nagmamadaling akong pumunta sa loob ng banyo upang mag-shower. Kailangan kong pumunta sa lugar na kung saan nangyari ang acidente kay Governor Jaxon. ILANG saglit pa'y nagmamadali na akong lumabas ng bahay. Mabuti na lang nilisan ng mga tauhan ni boss Zach ang kotse ko, kaya wala na ang bahid ng dugo sa loob. Gamit naman ang maliit na button na nandito sa loob ng kotse ko ay nag-iba ang kulay nito. Agad ko itong pinatakbo. Pagdating sa lugar ay agad kong kinuha ang kulay itim kong sombrero, ganoon din ang aking shades. Naglagay rin ako ng gloves sa aking mga kamay. Hanggang sa buksan ko ang pinto ng kotse at taas noong humakbang papalapit sa pinangyarihang akidente. Nandito pa ang kotse ni Governor. Hindi pa pinaalis ng Ina ni Governor. Dahil ‘yon ang bilin ni boss Z

