Pagdating sa bahay ni Governor ay sa kwarto ka agad ni Jovan ako pumunta, upang kamustahin ang lagay ng bata. Tuwang-tuwa naman ang bata nang makita ako. Dali-dali itong lumapit sa akin at talagang nagpabuhat sa akin. Nakita kong nag-aaral ito. Sa aking pagkakaalam ay pangsamantalang online class ito nag-aaral. Gusto kasing matiyak ni Governor Jaxon ang kaligtasan ng anak. Tama lang ang ginawa ng ama nito. Mas humigpit ngayon dito sa bahay ni Governor. Mas maraming tauhan kumpara dati. “Baby Jovan, nandito ba ang daddy mo? May sasabihin lang kasi ako sa kanya?” anas ko sa bata. “Umalis po si Daddy. Baka mamayang gabi pa po ang dating niya, Mommy Sue,” anas ng bata sa akin. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Sayang, wala ang baliw na Governor Jaxon. Magtutuos din kami. At titiy

