Tres Yanara

2852 Words

(SUZI’S POV) HINDI AKO nagsalita. Ayaw ko kasing sayangin ang laway ko sa kanila. . . Pagdating sa bartolina ay agad akong nilagyan ng tali sa aking katawan. . . Bigla tuloy akong naasar. Dapat nagmamanman ako sa bahay ni Madam Ponelyn. Ngunit dito ako napunta sa bartolina ni Amertoy. Naku- Kaunti na lang talaga ay bibingo na sa akin ang Amertoy na ito. Hindi na ako natatuwa rito. Napansin kong pati si Valesay ay itinali ni Amertoy. Baliw rin ang lalaking ito, pati sariling asawa ay itinali. Kitang-kita ko rin ang pasa sa mukha nito. Ang mukha naman ng babaeng anak ni Valesay ay parang demonyo, hindi man lang naawa sa Ina nito. Ay! Peste naman, oh! Parang bigla akong na-stress sa mga taong nasa harapan ko. “Hayop naman, oh! Away ng pamilya nil, tapos ako madadamay, nakakainis naman!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD