NASAKTANG PUSO

1166 Words
Saka matangos din ang ilong at manipis ang mga labi na may perfect pink gloss. Ang kutis niya? Diyos ko po, parang wala pa siyang pores. Kuminang pa lalo sa kanyang maputing balat ang emerald green na silk dress na suot niya—hugging her body like a second skin. At ang legs? Aba, parang kayang kalmutin ang langit. Ang buhok niya ay tila alon sa sobrang mahaba, kulot sa dulo, at tila bawat hibla ay may sariling swag habang nakalugay sa kanyang balikat. Hawak niya ang isang wine glass at habang tumatawa, parang slow motion ang lahat ng galaw niya. Literal. Parang artista sa shampoo commercial. Napaka-eleganti nitong tingnan. Halatang social sa suot nitong damit. Hindi ko alam pero bakit biglang nakaramdam ng alarma ang aking puso. “Yes, Tita Clem.. Alam mo naman na malalas kayo sa akin, eh. Oh, by the way before I forget, here's my pasalubong for you,” narinig kong saad nang babae. Hindi na ako lumingon pa sa kanilang kinaroroonan. Nagpatuloy na ako pumasok sa kusina. Naabutan ko si mama na naghahalo sa kanyang niluluto. “Oh, mabuti nandiyan ka na anak? Saan ka ba nanggaling? 'Di ba ang sabi ko sa 'yo bilisan mo? Bakit umabot yata ng ilang oras?” “Nagliligpit po ako sa room ni Sir Jaxon. Nakita ko kasing nakabukas at makalat pa kaya niligpit ko na lang. Trabaho naman din 'yon ni Ate Kris. Eh, mabuti pang tinulungan ko na lang siya,” pasisinungaling ko sa aking Ina. Peste! Ang bad ko na talaga. “Totoo 'yan, ate Prima. Alam mo naman itong anak mo napakabait!” muli akong napalingon kay Ate Kris nang basta na lang ito lumabas sa pintuan at sumabat. Napanguso ako nang ipinagdiinin nito ang salitang MABAIT alam ko kasi kung ano ang ibig sabihin niya. Kumindat pa siya sa akin na tila nagpapahiwatig na I got you! “Ewan ‘ko sa inyong dalawa daig pa ninyo ang mag-jowang matagal hindi nagkita, at talagang nagkakampihan pa kayo!" reklamo ni Mama. Habang patuloy sa sa paghalo ng kanyang mga niluto. “Hayaan mo na, Mama. Si Ate Kris para ko na siyang ate. Kasalanan rin ninyo ni Papa hindi ninyo ako binigyan ng kapatid. Eh, ‘di sana hindi ako mabo-bored sa bahay,’’ nakanguso kong tugon. Totoo naman kasi ako lang mag-isa nilang anak. Gusto ko rin magkaroon ng kapatid kaso hanggang namatay na lang si papa hindi na ako nagbigyan ng kapatid. Hindi rin naman nag-asawa si mama ulit kahit limang taon ng wala si Papa Berto. Natatawa si Ate Kris sa aking mga sinabi. “Ikaw talagang bata ka, kami pa talaga ang sinisisi mo kung boring ka sa buhay.’’ “Eh, kung sana Mama nag-asawa ka ulit. Sana may kapatid ako ngayon,’’ nakangusong kong tugon. Habang pinaglalaruan ang aking buhok. Napaigtad ako nang biglang ibinagsak ni mama ang kanyang gamit na palayok. Patay, galit na si mama sa akin.’ “Naku! Patay ka ngayon bata ka. Bakit ang tabil ng dila mo?” natatawang saad ni Ate Kris. “Aray! Mama, ang sakit!’’ sigaw ko ng walang pakundangan niyang kinurot ang aking singit. “Dapat lang 'yan sa 'yo. Magpreno-preno naman ’yang bibig mo! Akala mo ba madali ang magpalaki ng anak. Sa ’yo pa nga lang hirap na kami ni tatay Berto mong paaralin ka! Dios ko, Berto. Naririnig mo ba itong pinagsasabi ng anak mo? Hindi ko naman siya pinalaking ganito!” Natigil ang ginagawa ni Mama nang biglang lumitaw si Donya Clemente sa loob ng kusina. Ka agad akong tumindig nang maayos. Ayaw kong may maipintas siya sa akin. Baka hindi niya ako tatanggapin na daughter in law. “Magandang umaga po, Donya Clemente. Napakaganda mo po. Maligayang pagbabalik,” may halong pambobola kong tugon. Mabuti na lang mabait ang mama ni Jaxon my love kahit pa mayaman ito. Isang taon din itong nag-abroad bago umuwi rito sa Pilipinas. Akala ko pa naman sino ang sinundo si Donya Clementa pala. “Suzi, hija. You're here. Magandang araw rin sa ’yo." “Prima, pakihanda na ang pagkain sabay-sabay na kaming kakain nina Victoria at Jaxon,” baling naman nito kay Mama. “Masusunod po, Donya Clemente,” magalang na tugon ni Mama. Pagkalabas ni Donya Clemente, kaagad ko namang tinulungan si Mama. Ayaw kong may masabi ito sa akin. Saktong natapos namin ang paghahanda saktong pumasok na si Donya Clemete sa komidor kasama ang babae na tinatawag nitong Victoria. “Hija, Victoria. Samahan mo ako mamaya. Let's go shopping,” masayang anunisyo ni Donya Clemente. “Oh, Sure, Tita. Hindi ko talaga kayang tanggihan si Tita Clem!” anas ng babae habang hinahaplos ang braso ni Donya Clemente.. Narinig kong saad ng babae habang kumain sila. Bigla akong nakaramdam ng inggit habang nagkukubi sa may sulok. Tita Clem? "Sino ‘to? Bakit “darling”? Bakit “Tita Clem”? Bakit hindi ako na-inform na may ganito pa lang kaganda na dumadalaw sa bahay nila?" parang baliw na tanong ko sa aking isipan. “Suzi!” sambit ni Mama mula sa kusina. “Bakit nakatanga ka diyan?! Puntahan mo nga muna si ate Kris mo sa likod. Pakitulungan sa pinapakula niyang kurtina. Bilisan mo!” Hindi ko alam kung ‘di ko narinig o ayaw ko lang marinig. Dahil lahat ng sense ko, nakatuon sa babaeng modelo. Lalo na nang biglang bumukas ang front door… At dumating si Sir Jaxon. Oh no. Mula sa pinto, lumakad si Sir Jaxon papasok na tila kabigha-bighani pa rin sa grey hoodie at pajama. Pero ang mas kabigha-bighani ay nang makita siyang napangiti ang modelo. “Jaaaaxooooon!” sigaw ng babae. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at sinalubong si Sir Jaxon ng yakap. Mahigpit na yakap. Yung tipong parang matagal silang hindi nagkita. Yung tipong parang asawa niya si Jaxon at may reunion lang sila ngayon. Nag-panic ang puso ko. “Sino siya?” tanong ng utak ko habang mabilis ang t***k ng dibdib ko. Ngunit bago pa man ako makaisip nang iba, narinig ko ang susunod na sinabi ng modelo. “I missed you so much, hon.” Hon?! Parang biglang lumambot ang mga tuhod ko. Napakapit ako sa pader. At habang unti-unting nilalamon ng reality ang puso kong high sa kilig kanina, narinig ko si Mamang Donya. “Jaxon, anak, I’m so glad dumating na si Victoria Staycation muna siya rito sa atin. Para na rin makabonding mo ulit.” Victoria? Staycation? Makabonding? Bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay sa selos, inabot ni Victoria si Jaxon sa pisngi at hinalikan ito—sa harap ko, sa harap ng Diyos, at sa harap ng lahat ng pinag-ipunan kong ilusyon. At habang nangyayari ‘yon, bigla kong naramdaman ang luha kong bumagsak. Hindi ko alam kung dahil sa inggit. O sa sakit. O sa kahihiyan sa sarili kong kathang-isip. Pero isa lang ang sigurado ko: Si Victoria ang totoong mundo ni Sir Jaxon. At ako, ako lang si Suzi—ang taga-punas ng mesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD