(JAXON’S POV) AGAD KONG inutos sa mga tauhan ko na isakay nila ang matanda sa kabayo upang hindi na ito hirap maglakad. Ngunit ang anak ni tatang ay ayaw talagang sumakay dahil sa bulutong nito at baka raw mahawa ako. Hindi na lang namin ito kinulit pa. Saka ang sabi nito ay malapit na ang bahay nila. Naunang tumakbo ang kabayo na sinasakyan ni Tatang kasama ang tauhan ko. Hindi ko pala natanong ang pangalan ni tatang. Kaya naman agad akong lumapit sa babaeng may takip ang mukha na panyo. “Ms. Puwede ko bang malaman kung ano’ng pangalan ng iyong Ama?” tanong ko sa babae nang huminto ang kabayong sinasakyan ko sa tabi nito. “Tawagan mo siya na Jo. Sige na po Governor. Umalis ka na sa aking harapan. Baka mahawa ka ng aking bulutong—” pagtataboy ng babae sa akin. Hindi ako nagsalita.

