Chapter 8 Selina’s POV Naalimpungatan ako at tuluyan ng nagising dahil sa tunog ng aking alarm clock. Kaagad akong nagtungo sa banyo upang maligo. Kailangan ko kasing pumunta nang maaga sa pinapasukan kong company, dahil may meeting. Ngunit, natigilan ako nang maalalang wala nga pala ako sa aking apartment. Natampal ko ang aking noo. “Oh, s**t! Ang t**ga ko!” bulalas ko. “Paano ako nito? Wala akong isusuot na damit papunta sa opisina,” pagkausap ko sa aking sarili. “Bakit? kasi hindi muna kami dumaan sa aking apartment bago pumunta rito sa condo ng lalaking iyon!” ngunguto-nguto pa rin ako sabay kamot sa ulo. Nagpakawala na lamang ako nang malalim na paghinga, bago ipinagpatuloy ang paliligo. Nang matapos ay agad akong nagsuot ng bathrobe at lumabas ng banyo. Natigilan pa ako nang

