Makalipas ang anim na buwan ay pabalik pabalik lang ang magkapatid na Jace at Jayden sa cebu habang si Clement ay nanatilinna doon. "Ace hindi pa rin natutuloy shoot natin, tàrantado ka tanggap ka nang tanggap." Reklamo ni Clement dahil palagi siyang binubuliglig ni Ace pero di naman tinatapos. "Mukhang pera things." Tumatawang sambit ni Hazel. "Ako ngayon pinagtutulungan niyo? Lalo ko idedelay yan para masterss kayo sa schedules niyo." Nakangusong sambit ni Ace. "Isip bata." Natatawang sambit ni Paye. "Ayan! Tama yan!" Sigaw ni Clement dahil jowa na ni Ace ang nagsalita. "Pati ba naman ikaw nakikisali?" Sambit ni Ace habang nakanguso. "Ako pineperwisyo niyan oh, baka nakakalimutan mong sekretarya ako." Sambit ni Paye at itinuro ang ngumingising si Clement. Nasa may tabing dagat ka

