"Kailan pa naging magkaibigan ang halos magpatàyan?" Tumatawang sambit ni Paye. "Kahapon lang, nung binigay mo passcode ko sakanya." Reklamo ni Clement na ikinangisi ni Paye. "Alright I'll rest, wake me up before 7 ha." Paalaa ni Clement at lumabas na sa office para umakyat sa kaniyang kwarto. Nang makarating siya ay dumiretso na siya sa kama at hindi naman nagtagal ay hinila na siya ng antok, sa pagod na rin siguro. Hindi nagtagal ay ginising na rin ni Paye si Clement at inayos na ang susuotin nito. Nang magising si Clement ay dumiretso na siya sa cr upang magbihis. 6:30 na at kung tatamarin pa siya ay malelate siya. Lumabas na sila ni Paye sa building at lumipat sa kabila dahil doon gaganapin ang event. Si Jayden ang nag organize ng event, welcome party para sa mga mag dedebut na

