"IT'S A WRAP!" Sigaw ni Ace. Mabilis na bumalik sa tent si Clement dahil nakakaramdam nanaman siya ng pagkahilo. Nanatiling nakasunod kay Clement ang tingin ni Hazel at nagtataka. "Nilalagnat siya?" Mahinang sambit ni Hazel. "Nilalagnat sino?" Kuryosong sambit ni Kia. "Wala wala." Mabilis na pag bawi ni Hazel sa sinabi niya. "Paye." Tawag ni Hazel sa secretary ni Clement. "Mainit si Clement kaniya, nilalagnat ata." Sambit ni Hazel at iniwan na si Paye. "Wow." Nagtatakang sambit ni Paye at pinuntahan na si Clement. Tama nga si Hazel, nilalagnat si Clement. "Sir nilalagnat kayo." Sambit ni Paye ng mahawakan si Clement. "I want to rest, tell Ace we're leaving." Walang ganang sambit ni Clement na agad tinanguan ni Paye. Nang makapag paalam si Paye kay Ace ay nasa sasakyan na si Cle

