Airice's POV >,Jared's POV Isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Nervous. Ngayong araw na kasi ang pagpapakilala ko kay Hera sa mga magulang ko at ganun din siya sa mga magulang niya. Kaka-alis lang namin galing sa Nachtea Academy. Puro tukso nga ang pinabaon nila sa amin ehh. Mga letseng kaibigan naman oh. Si Hero? Susunod na lang daw siya. Si Xai at Fier naman ganun din. Mga pinsan sila ni Hera, remember? Nasa kotse na kami papuntang Ability Kingdom at itong babaeng kasama ko, pa-cool lang. Sa Ability Kingdom kasi mag-uusap ang pamilya nina Hera at pamilya ko. God! Ipapakilala pa lang, hindi pa kami nagpapakasal!! "Di ka ba kinakabahan?", tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Kinakabahan", sabi niya ng walang emosyon. Kinakabahan na siya sa lagay na yan ahh? "

